Dicylen Yabo - Clicknamics

Dicylen Yabo - Clicknamics Helping OFWs prepare for a better future through online business, financial literacy, and personal growth.
(1)

May mga taong hindi naman talaga pagod sa buhay.Pagod lang silang maging taong hindi na sila.Isipin mo...Ilang beses mo ...
28/07/2026

May mga taong hindi naman talaga pagod sa buhay.

Pagod lang silang maging taong hindi na sila.

Isipin mo...

Ilang beses mo nang pinili ang gusto ng iba kaysa sa gusto ng puso mo?

Ilang beses mo nang ngumiti kahit ang totoo, gusto mo lang mapag-isa?

Ilang beses mo nang nagsabing "okay lang" kahit ikaw mismo ang unti-unting nauubos?

Ganito kasi 'yan...

Hindi ka agad nauubos sa isang malaking problema.

Unti-unti kang nauubos sa maliliit na desisyong paulit-ulit mong ginagawa laban sa sarili mo.

Sa bawat pagkakataong pinipili mong manahimik kahit nasasaktan ka.
Sa bawat pagkakataong inuuna mo ang lahat, maliban sa sarili mo.
Sa bawat pagkakataong nabubuhay ka para lang maabot ang inaasahan ng ibang tao.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na kilala kung sino ka.

Tandaan mo...

Ang tunay na kapayapaan ay hindi nanggagaling sa pag-apruba ng ibang tao.

Nanggagaling ito sa araw-araw na pagpili na maging tapat sa sarili mo.

Dahil kapag nawala ang sarili mo sa proseso...

Kahit makuha mo pa ang lahat ng gusto ng mundo, may parte ka pa ring pakiramdam na may kulang.

At walang tagumpay ang makakapuno sa bagay na ikaw mismo ang nagpabaya.

Bakit napakahalaga na ng content creation sa panahon ngayon?Isa sa pinakamalaking realization ko matapos umattend ng tra...
20/07/2026

Bakit napakahalaga na ng content creation sa panahon ngayon?

Isa sa pinakamalaking realization ko matapos umattend ng training sa Clicknamics tungkol sa content creation ay ito:

Hindi na sapat na maganda lang ang produkto o serbisyo mo. Kailangan ka ring makita at makilala ng mga tao.

Nasa digital era na tayo. Bago bumili ang isang tao, madalas chine-check muna nila ang page o profile account ng nagbebenta.

Kapag wala silang makita tungkol sa'yo, mahirap para sa kanila na magtiwala.

Doon ko na-realize na ang content creation ay hindi lang tungkol sa paggawa ng videos o pagpo-post araw-araw.

Ito ay tungkol sa pagbuo ng tiwala.

Sa bawat content na ginagawa mo, may natututo, may nai-inspire, at may unti-unting nagtitiwala sa'yo.

At kapag may tiwala, mas nagiging madali ang pagbuo ng long-term na negosyo.

Lalo na sa online business, visibility is no longer optional it's essential.

Kung gusto mong magtagal sa industriya, kailangan mong maging present sa social media.

Hindi para sumikat, kundi para mas maraming taong matulungan at makakilala sa'yo.

Kaya malaking pasasalamat ko sa training na inattendan ko.

Marami pa akong kailangang matutunan, pero isang bagay ang sigurado:

Hindi lang ako gagawa ng content para magbenta.

Gagawa ako ng content para magbigay ng value, magturo, at makabuo ng relasyon sa mga tao.

Dahil sa huli, people don't just buy products they buy trust.

After 28 years... ito na kami ngayon.Dating mga batang 90's na laging nag-aaway, nag-aasaran, at makukulit. Isang typica...
20/07/2026

After 28 years... ito na kami ngayon.

Dating mga batang 90's na laging nag-aaway, nag-aasaran, at makukulit. Isang typical na magkakapatid na minsan nagkakainisan, pero hindi nawawalan ng dahilan para magmahalan.

Fast forward after 28 years, marami nang nagbago. Hinubog kami ng panahon, pinatatag ng mga pagsubok, at pinalalim ng mga karanasan sa buhay.

Ma, Pa... salamat.

Maaga man kayong kinuha sa amin, pero iniwan ninyo sa amin ang pinakamahalagang paman ang pagiging responsable, ang pagmamahal sa pamilya, at ang paalala na kahit anong mangyari, huwag naming pababayaan ang isa't isa.

Hindi man kayo naging perfect na magulang, wala namang perpektong magulang. Pero sapat ang pagmamahal na ibinigay ninyo para maging matatag kami sa buhay.

Kung uulitin man ang lahat at bibigyan kami ng pagkakataong pumili ng magiging magulang, kayo at kayo pa rin ang pipiliin namin.

Mahal na mahal namin kayo.

At alam kong masaya kayo ngayon dahil after 8 years, muli kaming nagkasama-sama ngayon magkakapatid.

8 years man magkakalayo. Iba-iba ng lugar, iba-iba ng laban sa buhay. Pero hindi namin hinayaang ang distansya ang maging dahilan para lumayo ang puso namin sa isa't isa.

Hindi naging perfect ang relasyon namin. Nagkaroon ng tampuhan, hindi pagkakaunawaan, at mga panahong hindi kami pare-pareho ng pananaw. Pero sa huli, lagi naming pinipili ang pagmamahal kaysa pride, ang pagpapatawad kaysa sama ng loob, at ang pamilya kaysa ego.

Sa lahat ng magkakapatid na matagal nang hindi nagkakasama o may hindi pa rin naaayos na tampuhan, sana maging paalala ito:

Habang may oras pa, piliin ninyong magkausap. Habang may pagkakataon pa, piliin ninyong magpatawad.

Hindi natin alam kung hanggang kailan lang natin makakasama ang isa't isa.

Ang pamilya ay hindi perpekto. Pero kapag may pagmamahal, respeto, at pagpapatawad, laging may daan para muling mabuo.

At sa dulo ng lahat, hindi ang mga away ang maaalala natin kundi ang mga panahong pinili nating manatiling pamilya.

❤️ Mahal ko kayong lahat.

16/07/2026

By birth, hindi natin mapipili kung sino ang magiging pamilya natin.

May mga lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal.
May iba naman na lumaki sa sigawan, samaan ng loob, o kakulangan.

At ang totoo...
Wala tayong kontrol kung saan tayo nagsimula.

Pero may kontrol tayo kung paano tayo magtatapos.

Kapag dumating ang panahon na ikaw na ang bubuo ng sarili mong pamilya, may choice ka.

Pwede mong piliin na putulin ang cycle ng sakit.
Pwede mong piliin na maging magulang na marunong makinig.
Pwede mong piliin na maging asawa na marunong umunawa.
Pwede mong piliin na gawing tahanan ang lugar na puno ng respeto, pagmamahal, at kapayapaan.

Simple lang.

Hindi kailangang maging perpekto ang pamilya para maging masaya.

Ang kailangan, may pagmamahalan.
May pagpapatawad.
May pagkakaintindihan.
At araw-araw, pinipili ninyong maging mas mabuting tao para sa isa't isa.

Tandaan mo...

Hindi mo man napili ang pamilyang pinagmulan mo, pero kaya mong piliin ang klaseng pamilyang bubuuin mo.

Hindi man kami perpektong pamilya pero masasabi ko na hindi ko ipagpalit ito.

Ikaw anong kwento mo?

Nagiguilty ka ba kapag nagpapahinga ka?May mga tao na hindi na marunong magpahinga.Hindi dahil ayaw nila.Kundi dahil pak...
14/07/2026

Nagiguilty ka ba kapag nagpapahinga ka?

May mga tao na hindi na marunong magpahinga.

Hindi dahil ayaw nila.

Kundi dahil pakiramdam nila, bawat minutong hindi sila nagtatrabaho, may nawawala sa kanila.

May kikitain sana.

May hahabulin sana.

May mauungusan sana.

Unti-unti, naging normal ang laging pagod.

Pero ang hindi nila napapansin...

Habang inuubos nila ang oras para maghanap ng pera, inuubos din nila ang sarili nila.

Nakalimutan na nilang ngumiti.

Nakalimutan na nilang makipagkwentuhan sa pamilya.

Nakalimutan na nilang alagaan ang kalusugan.

At ang pinakamasakit...

Nakalimutan na rin nilang alagaan ang taong gumagawa ng lahat ng iyon—ang sarili nila.

Ang totoo...

Hindi lang pera ang puhunan mo sa buhay.

Ikaw ang pinakamahalagang puhunan.

Kapag bumigay ang katawan mo...

Kapag napagod ang isip mo...

Kapag nawala ang sigla mo...

Kahit gaano kalaki ang oportunidad, mahihirapan kang sulitin iyon.

Huwag mong i-overcomplicate.

Hindi masamang magsipag.

Hindi rin masamang mangarap nang malaki.

Pero huwag mong isakripisyo ang sarili mo para sa tagumpay na baka wala ka na ring lakas para ma-enjoy pagdating.

Tandaan mo...

Ang tagumpay ay hindi lang tungkol sa dami ng perang naipon.

Kasama rin doon ang pagkakaroon ng oras, kalusugan, kapayapaan ng isip, at mga taong mahal mo.

Dahil sa huli...

Walang saysay ang punong-punong bank account kung ang puso mo naman ay ubos na.

Ikaw, kailan mo huling pinili ang sarili mo kaysa sa trabaho? ❤️

13/07/2026

Maulan na araw sa lahat

Be grateful everyday

Noong bata tayo, ang turo sa atin..."Basta mabait, okay 'yan."Pero habang tumatanda, napapansin mo na hindi pala ganoon ...
12/07/2026

Noong bata tayo, ang turo sa atin...
"Basta mabait, okay 'yan."

Pero habang tumatanda, napapansin mo na hindi pala ganoon kasimple.

May mga taong mabait, pero bawat usapan puro problema.

May mga taong mabait, pero hihilahin ka pababa sa takot, duda, at negatibong pag-iisip.

At may mga taong hindi masyadong madaldal, hindi showy, pero kapag kasama mo sila, mas gusto mong maging mas mabuting tao.

Ang totoo...

Hindi lang kabaitan ang hinahanap natin habang tumatanda.

Hinahanap natin ang mga taong may respeto, may prinsipyo, may peace of mind, at may magandang impluwensya sa buhay natin.

Ikaw, sang-ayon ka ba?
Sapat na ba ang pagiging mabait para maging malapit ka sa isang tao? O may mas mahalaga pa? 👇

11/07/2026

Noong nag punta ako sa Igorot stone kingdom may na paisip lang ako...

Alam mo ba kung bakit napag-iwanan ang Nokia?Naalala mo pa ba noong halos lahat ng tao Nokia ang gamit?Sila ang number o...
10/07/2026

Alam mo ba kung bakit napag-iwanan ang Nokia?

Naalala mo pa ba noong halos lahat ng tao Nokia ang gamit?

Sila ang number one noon.

Parang imposible silang matalo.

Pero ngayon, bihira mo na silang makita.

Ang tanong...

Ano'ng nangyari?

Hindi dahil pangit ang produkto nila.

Hindi dahil wala silang pera.

Kundi dahil hindi sila agad nag-adjust sa pagbabago.

Habang nag-e-evolve ang mundo, may mga kumpanya na mas mabilis matuto, mas mabilis umaksyon, at mas handang magbago.

Ganito kasi 'yan...

Minsan, hindi ka napag-iiwanan dahil mahina ka.

Napag-iiwanan ka dahil kumportable ka na.

At totoo rin 'yan sa ating mga tao.

Baka dati magaling ka.

Baka marami kang achievements.

Baka successful ka noon.

Pero kung hanggang ngayon pareho ka pa rin ng mindset, pareho pa rin ng ginagawa, at ayaw mong matuto ng bago...

Unti-unti kang maiiwan.

Ang totoo...

Hindi sapat na magaling ka.

Kailangan marunong ka ring mag-adapt.

Tandaan mo...

Ang mundo hindi humihinto.

Kung gusto mong sumabay sa pagbabago, kailangan handa ka ring magbago.

Dahil sa panahon ngayon...

Hindi laging pinakamalakas ang nananalo.

Kadalasan, ang nananalo ay ang taong marunong mag-adjust.

Minsan, hindi tayo napag-iiwanan dahil kulang tayo sa galing.

Napag-iiwanan tayo dahil tumigil na tayong matuto at mag-adjust.

Kung nagawa ng mundo na magbago, kaya mo rin.

Anong lesson ang nakuha mo sa kwento ng Nokia? 👇

09/07/2026

Kung may P20,000 ka ngayon saan mo siya e.invest?

Address

Pinewood St Asin Road
Baguio City
2600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dicylen Yabo - Clicknamics posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share