21/09/2025
π‘πππ¬π’π‘π ππ₯ππͺ | πππ-π±π― ππ‘ππππ₯π¦ππ₯π¬π’ π‘π πππ§ππ¦ π ππππ§ππ₯
Ngayong araw, ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar, muling binalikan ng marami sa sambayanang Pilipino ang madilim na kabanata ng kasaysayanβang mga panahong inalis ang kalayaan, sinupil ang tinig ng pagtutol, at binura ang mga boses na nanindigan para sa karapatan.
Ang araw na ito ay hindi lamang pagbabalik-tanaw; ito rin ay paninindigan para sa demokrasya, pagbibigay-pugay sa mga naging biktima ng kawalan ng katarungan, at higit sa lahat, pagtitiyak na ang katotohanan at hustisya ang patuloy na magsisilbing gabay ng kasalukuyan at ng hinaharap.
At ngayong hawak na natin ang pluma ng kasaysayan, huwag nating hayaang muling maulit ang madilim na nakaraan. Sama-sama nating panatilihin ang matibay na demokrasya na hindi na kailanman manakaw pa.
π‘ππ©ππ₯ πππππ‘. π‘ππ©ππ₯ ππ’π₯πππ§.
Isinulat ni Jordan Evaristo
Paglalapat ni Jhon Mike Del Rosario