27/11/2025
Salute naman sa mga may mabubuting kalooban 🫡
Ala eh!
Halagang ₱40,000 na laman ng wallet napulot ng isang GUARD at naisoli ng walang labis walang kulang sa tunay na may-ari na isang nanay sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya.👏🏻❤️
Sa mundo ng mahirap magtiwala, kasakiman at pandarambong ang alam, meron at meron pa rin talagang may mabubuting kalooban, may takot sa dyos at handang gumawa ng kabutihan sa kapwa.❤️
Saludo sayo Kuya GUARD! 💂 🫡
Mabuhay ka at pagpalain ka nawa at iyong buong pamilya. Biyayaan ng maraming grasya.🙏🏻
Nawa’y tularan ka ng karamihan sa iyong paggawa ng kabutihan.
Lubos na nagpapasalamat ang pamilya at galak na galak sa kabutihang ginawa.
📸Arg Bacsa | Princeton Science School
📍Sta Rita Batangas City
Kilala ko din ho are at araw-araw nareng pinagsisilbihan alalayan ang mga estudyante sa eskwelahan. iba ang dedikasyon talaga nare sa trabaho. Hindi mababayaran ang kanyang katapatan.
Muli, ako’y iyong pinahanga at saludo sayo.
Taas noo kitang ipinagmamalaki kuya GUARD 🫡❤️.