01/07/2026
๐๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป ๐ป๐ถ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ฒ๐ฝ๐ผ๐บ๐๐ฐ๐ฒ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐ด๐ฒ๐น-๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
Sa pambihirang pagkakataon, pansamantalang inilabas sa kanyang urna ang matandang imahen ng Mahal na Patrong San Juan Nepomuceno na ipinagkaloob ng Pamilya Rogel-Malabanan sa Kapilya ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa, ngayong Mayo na buwan ng kapistahan ng Maluwalhating Martir at Maringal na Pintakasi ng Bayan ng San Juan.
Nakatampok ang imahen sa retablo menor ng kapilya na ngayon ay mahahawakan mismo ng mga deboto. Handog ang bago na namang kasuotan ng p**n na likha ng Bella Glor's House of Embroidery ni Gng. Jenina Malabanan-De Torres na siya ring nagkaloob ng bagong fiesta vestment ng 3-feet image ni San Juan Nepomuceno na nasa retablo mayor.
Matatandaang bago pa man ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong dekada '40, ang imaheng ito ni San Juan Nepomuceno ay nasa pangangalaga na ng pamilya nina Gng. Maria 'Nanay Angge' Rogel at G. at Gng. Juanillo at Crispina Malabanan bilang isang pribadong pagmamay-aring imahen. Ang Buhaynasapeรฑong si G. Juanillo Malabanan ay nahalal at nagsilbi noong konsehal ng bayan ng San Juan.
Hinihiram lang ito noon ng kapilya upang isama tuwing isasagawa ang kinagisnang tradisyon ng pagpapaligo sa dagat sa Ticalan ng mga imahen ng dalawang patron, San Vicente Ferrer at San Juan Nepomuceno, tuwing sasapit ang ika-4 ng Abril.
Kalaunan ay ipinagkaloob na ang matandang imahen ng pamilya Rogel-Malabanan sa kapilya.
Ilang taon matapos itatag ang kapilya noong 1930, kasamang pinipintuho ng mga mananampalataya ang Mahal na Patrong San Juan Nepomuceno na hindi naman nakapagtataka dahil ang santo ang nakatalagang Maringal na Pintakasi ng Bayan ng San Juan at Patron ng Parokya ni San Juan Nepomuceno na nakasasakop sa Kapilya ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa.
Mula taong 1930 hanggang 2022, ang naturang imahen ni San Juan Nepomuceno ang dinadala at pinaliliguan sa dagat kasama ang orihinal na imahen ni San Vicente Ferrer.
Taong 2023 nang sumailalim sa restorasyon at pagsasaayos ang matandang imahen sa tulong ng local ecclesiastical artist na si G. Sebastian Reglos-Quejada. Pinagawan din ito ng urna.
Sa kasalukuyan, ang mas malaking imahen na ni San Juan Nepomuceno na nakatampok sa retablo mayor ang isinasama sa 'Paligo sa Dagat'.
Ang parehong imahen ni San Juan Nepomuceno ay donasyon at handog sa kapilya ng Pamilya Rogel-Malabanan.
Noong ika-15 ng Mayo 2024, ginarawan ng pagkilala ng kapilya ang Pamilya Rogel-Malabanan bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa Munting Sambayanang Kristiyano ng Buhaynasapa at pagtataguyod ng debosyon sa Mahal na Patrong San Juan Nepomuceno sa nayong pinagpala.
๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐ง ๐๐๐ฉ๐จ๐ฆ๐ฎ๐๐๐ง๐จ, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ๐ก๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐ซ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ค๐๐ฌ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐ง, ๐ข๐ฉ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐๐ฆ๐ข.
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!