28/07/2026
📣
PAALALA SA MAAGANG PAGTITIPID NG TUBIG
Sa aming mga tagatangkilik;
Dahil sa patuloy na mababang antas ng tubig sa Angat Dam, na siyang pangunahing pinagmumulan ng tubig ng Bulacan Bulk Water Supply, muling ipinapaalala ng Bocaue Water District sa lahat ng mga concessionaire at mamamayan ang kahalagahan ng maingat at responsableng paggamit ng tubig.
Bagama't patuloy ang koordinasyon ng Bocaue Water District sa Bulacan Bulk Water Supply upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo, mahalaga pa rin ang pakikiisa ng bawat isa sa pagtitipid ng tubig upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay para sa buong komunidad.
Hinihikayat ang lahat na:
• Iwasan ang pag-aaksaya ng tubig.
• Ayusin agad ang mga tumutulong gripo at tubo.
• Gumamit lamang ng sapat na dami ng tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
• Iwasan ang paggamit ng tubig para sa mga gawaing hindi kinakailangan.
• Mag-imbak ng sapat na dami ng malinis na tubig sa mga malinis at may takip na lalagyan bilang paghahanda sa anumang pansamantalang pagkaantala ng suplay.
Ang bawat patak ng tubig na ating matitipid ay malaking tulong upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa buong komunidad, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng Angat Dam.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at patuloy na pakikiisa sa responsableng paggamit ng ating mahalagang yamang tubig.