21/01/2022
“YAWA”
Sa modernong panahon, sinasabi ng marami ang salitang ito sa konteksto ng pagmumura, pangungutya, o kaya’t sa pagkagulat. Sa kasalukuyan, iniisip ng marami na “demonyo” o “diablo” ang ibig sabihin nito.
Ngunit para sa mga sinaunang pamayanang Pilipino, parte ito ng pangalan ni Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Sa epikong “Hinilawod,” siya’y ang magandang asawa ng diyos ng araw na si Saragnayan. Sa epikong “Labaw Donggon” naman, siya’y makapangyarihang baylan—isang malaya’t malakas na babae.
Ayon sa mga eksperto’t historyador, nagbago lamang ang kahulugan nito nang dumating ang mga mananakop na Kastila. Bukod sa pagpaslang sa mga ayaw magpasakop at paggamit ng dahas, iniugnay nila sa demonyo ang lahat ng naiibang relihiyon at pananaw.
-
Basahin dito ang aming in-depth special report tungkol sa ating progresibong nakaraan: https://bit.ly/OurProgressivePast