13/10/2024
Nakakawala ng pagod ang pinaghalo halong kulay na isinabog ng araw sa kalawakan.
Banayad sa pakiramdam ang unti-unti niyang pagbaba.
Tila may humahaplos sa aking puso kapag tumatama sa aking katawan ang sinag na sa kaniya nagmumula.
Tila ito'y isang yakap na may bahid ng kasiguraduhan at pahinga.
Na mas lalong naradama dahil sa espesyal na kasama habang pinagsasaluhan ang kape na may saktong tapang at tamang timpla.
Kinabukasan, sigurado akong matatagpuan kong muli ang sariling katabi siya pagkatapos ng nakakapagod na maghapon.
Habang pinapanood ang paborito naming eksena at nakalagay sa magkabilang gilid ang kape na hinaluan ng Mr. Gulaman na siyang hinahanap hanap ng aming panlasa.
Isang Coffee Jellycious nga po, pakisamahan na rin ng isang tagahintay tuwing uwian.