Healing Pages

Directions Contact the business

Healing Pages Daily inspiration, faith-filled reflections, and gentle reminders of hope. Sharing encouragement through life's challenges and trusting God in every season.

Join the journey. Follow for daily uplifting messages.

NGITI, LUHA, at PAG-ASAMay mga araw na ngiti ang dala ko.May mga araw naman na luha.Ngiti kapag maganda ang resulta ng l...
24/09/2026

NGITI, LUHA, at PAG-ASA

May mga araw na ngiti ang dala ko.
May mga araw naman na luha.

Ngiti kapag maganda ang resulta ng laboratories ko.
Parang may panibagong pag-asa.
Parang binigyan ulit ako ng pagkakataong mangarap ng bukas.

Ngiti kapag natatapos ang isang treatment.
Isang laban na naman ang nalampasan.
Isang araw na naman na nalagpasan.

Pero ang journey ko ay hindi naging madali.
Nagsimula ako sa diagnosis na hindi ko kailanman inakala.
At nang malaman kong nasa Stage 4 na ako, kasama ang pagkalat sa bones at lungs, nagbago ang paraan ko ng pagtingin sa buhay.

Hindi na pareho ang mga pangarap ko.
Hindi ko na hinihingi na maging madali ang lahat.
Ang dasal ko ngayon ay para sana ma-control, stability, at mas maraming araw na kasama ang mga taong mahal ko.

May mga gabing tahimik akong umiiyak.
Kapag sumasakit ang katawan.
Kapag pagod na pagod na ako.
Kapag bumabalik ang takot at hindi ko alam kung ano ang susunod.

Kapag kaharap ko ang mga Doctor ko, minsan gusto kong sabihin,
“Doc, pagod na ako.”

Pagod ang katawan.
Pagod ang isip.
Pagod din ang puso.

Pero madalas, pinipili kong ngumiti.
Hindi dahil wala akong nararamdamang sakit.
Hindi dahil hindi ako natatakot.
Kundi dahil gusto ko pa ring mabuhay.
Gusto ko pa ring makita ang mga susunod na araw.
Gusto ko pa ring gumawa ng mga alaala.

Natutunan ko na ang pag-iyak ay hindi pagsuko.
Minsan, kailangan ko lang ilabas ang bigat na matagal ko nang kinikimkim.

At ang ngiti ko ay hindi pagpapanggap.
Ito ang paraan ko para sabihin sa sarili ko,
“Pagod ako, pero nandito pa rin ako.”

Sa bawat luha, may dasal.
Sa bawat sakit, may panalangin.
Sa bawat umaga na nagigising ako, nagpapasalamat ako kay Lord dahil may panibagong araw na naman.

Hindi ko alam kung gaano karaming bukas ang ibibigay sa akin.
Hindi ko kontrolado ang lahat.
Pero kaya kong piliing lumaban ngayong araw.

Kaya sa kapwa ko warrior,
Umiyak ka kung kailangan.
Magpahinga ka kung pagod ka.
Hindi mo kailangang maging matapang sa bawat segundo.

Punasan mo ang luha mo kapag kaya mo na.
Huminga ka. Magdasal ka.
At kapag handa ka na, ngumiti ka ulit.

Dahil ang luha ay hindi nangangahulugang mahina ka.
At ang pagod ay hindi nangangahulugang sumusuko ka.

Stage 4 man ang journey ko, hindi ibig sabihin na tapos na ang buhay ko.
Still here. Still praying. Still fighting.
Hindi pa tapos ang kwento ko. 🤍

When life feels too heavy, I remind myself that I don’t have to carry everything alone. God knows the weight of every bu...
14/09/2026

When life feels too heavy, I remind myself that I don’t have to carry everything alone. God knows the weight of every burden, every silent tear, and every moment when I feel like I can’t go on.

I may feel weak, but I trust that God will give me enough strength for today. One day, one prayer, one breath at a time.

12/09/2026
I think many of us learned to be strong because life never really gave us another option.We kept working.Kept caring for...
11/09/2026

I think many of us learned to be strong because life never really gave us another option.

We kept working.
Kept caring for everyone.
Kept showing up.
Kept handling whatever came our way.
And kept saying, “I’m okay,” even when deep inside, we were anything but okay.

But sometimes, being strong for too long becomes its own kind of exhaustion.

I’m slowly learning that God never asked me to carry everything by myself. He doesn’t measure my faith by how much pain I can endure or how well I can hide my struggles.

Sometimes faith is simply being honest enough to say:

“God, I’m tired. I can’t carry this all today. Please carry it for me.”

Maybe today, you don’t need to be stronger.
Maybe you just need to rest, breathe, surrender, and let God hold what you can no longer carry.

You can put the cape down. God is strong enough to carry you. ❤️🙏

Address

Cabiao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healing Pages posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Healing Pages:

Shortcuts

Share