10/10/2025
Pinangangambahan ngayon ang posibleng malawakang pinsala sa lalawigan ng Rizal sakaling gumalaw ang West at East Valley Fault System, ang fault line na matagal nang binabantayan ng mga eksperto.
Ayon sa PHIVOLCS, ang fault system na ito ay dumadaan sa mga lugar gaya ng Montalban (Rodriguez) at San Mateo, na parehong kabilang sa mga โdanger zoneโ kung saan direktang nakapwesto ang ilang subdivision, paaralan, at kabahayan.
๐๐ ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ซ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ๐ง๐ ๐ข๐๐๐๐๐ฐ ๐จ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐๐ข๐ฎ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐ฅ๐ข๐ง๐.
๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ฎ๐๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง
๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐๐ง
๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐
๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐-๐ ๐๐ฎ๐ ๐๐ซ๐๐๐ง
๐๐จ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐
๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐, ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐๐ง
๐๐ข๐ญ๐๐ฑ ๐๐๐ฑ๐ญ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ, ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐๐ง
๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐, ๐๐๐ง ๐๐๐ญ๐๐จ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ
๐๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ข๐ง๐จ, ๐๐๐ง ๐๐๐ญ๐๐จ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ
Batay sa datos, ang huling paggalaw ng fault line ay noong taong 1658, at tinatayang aktibo ito kada 300 taon ยฑ100 taon. Ibig sabihin, nasa loob na tayo ngayon ng panahong maaaring muling gumalaw ang fault โ na posibleng magdulot ng Magnitude 7 o mas malakas pang lindol.
Ang โThe Big Oneโ ay inaasahang makaaapekto hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa buong Rizal, dahil sa lapit nito sa sentrong linya ng fault.
Dahil dito, mariing hinihikayat ang publiko na maging handa, magplano ng evacuation routes, at sumunod sa mga disaster preparedness drills na isinasagawa ng lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, nananatiling hamon para sa mga residente at lokal na opisyal ng Rizal ang pagtiyak na ligtas at matatag ang mga gusali, paaralan, at tulay sakaling maganap ang paggalaw ng fault line.
Listahan ng mga nasa aktibong Fault line:
https://tinyurl.com/Earthquake-Fault-Line