21/08/2026
“DTF BA? BAKA MATUKLAP DIN!” 😅
Narinig niyo na ba yan? Marami sa atin may trauma na sa printed shirts isang laba pa lang, crack, kupas, o tuklap na agad. Naiintindihan namin kayo ❤️
Kaya nga yung iba, bumabalik sa paghahanap ng silk screen kasi akala natin mas matibay lang ang silk screen at lahat ng digital printing ay matutuklap.
Pero alam niyo ba? Minsan hindi kasalanan ng digital printing. Mali lang ang tela sa printing method.
Bakit natutuklap? (Tingnan ang 1st photo) Yung trauma na yan, madalas galing sa Cotton shirt na sinublimation. Ang sublimation ay pang-Polyester / Jersey lang talaga. Sa polyester, pumapasok ang ink sa hibla kaya matibay. Sa cotton, nasa ibabaw lang siya kaya pag nilabhan, bakbak talaga. Hindi pangit ang digital printing, mali lang ang paggamit.
Kaya ngayon, panahon na para ibalik ang tiwala sa digital printing. (Tingnan ang 2nd photo).
Dahil sa DTF (Direct-to-Film), naayos na yung problema na yan. Iba na ang proseso ngayon may special film at hotmelt powder na niluluto sa tamang init, curing at pressure.
Kaya:
1. Kahit 1 pc pwede! No minimum. Pwede ka magpa-sample muna para makita mo mismo yung tibay.
2. Kuhang-kuha ang kulay! Kahit picture pa yan ng tao, pet, anime, o gradient design buo at vibrant. Kung ano yung design mo, yun talaga ang lalabas.
3. Kahit anong tela , Cotton, Polyester, Blends kapit na kapit at washable.
Kaya sa Pixel Lab Printing Studio, hindi kami basta print lang. Nandito pa rin ang trusted Silk Screen para sa bulk at simple designs, pero para sa full-color at paisa-isang print, subukan niyo ulit ang bagong digital printing - DTF.
Formula namin: Tamang Tela + Tamang Ink + Tamang Materials + Tamang Process = Mas Magandang Print. 💯
Kung na-trauma ka dati at napilitan mag-hanap ng silk screen lang, gets namin. Pero ngayon, iba na ang digital printing. Bigyan niyo ulit ng chance ibalik natin ang tiwala niyo sa digital Tshirt printing. 😉
Message us for inquiries, price list & FREE sample layout!
Cardona, Rizal - We ship nationwide!