12/06/2026
That first… “Ma, may kotse na ako!” It hits differently!
Simpleng Vios lang ’to, I know, but when you know where you came from, that’s when it becomes a big deal!
We grew up na sapat lang. May mga pagkakataon na kinakapos. Both my parents needed to work, kaya madalas kaming magkakapatid lang ang natitira sa bahay, kahit sa gabi tuwing night shift si Mama. Habang si Papa naman, halos buong childhood namin ay nasa abroad. Pero kahit ganun, hindi pa rin naging madali ang buhay.
Ipinilit nilang ipasok kami sa private school para mas maganda ang environment namin habang nag-aaral. Kaso madalas, tuwing exam, nakikiusap kami na makapag-exam muna at isusunod na lang ang bayad sa tuition. Madalas din na hindi ako nakakasama sa mga field trip kasi mahal, kaya hindi ko na rin ipinipilit dahil alam kong nahihirapan din sa pera ang mga magulang namin.
Kaya sa ibang mas nabiyayaan, hindi na siguro big deal ang magkaroon ng kotse. Pero sa iba na medyo hirap sa buhay, kagaya ng pinagdaanan ko, parang nanalo sa lotto ang pakiramdam! Haha. Yung tipong paulit-ulit kang lalabas ng bahay at sisilipin mo yung kotse kasi hindi ka makapaniwala na MERON KA NANG KOTSE!
Siguro ang gusto ko lang ipunto ay: Celebrate your wins! Maliit man ’yan o malaki! Kasi ikaw lang ang may alam kung ano yung mga kailangan mong pagtagumpayan bago mo makuha yung tagumpay na ’yan.
And never compare what you have to others, kasi ’yan ang pinakamabilis na paraan para mawala ang saya mo.
9 years na si Vios ngayon, kaya naisip ko na baka may mapulot na aral kung ibabahagi ko yung story na ’to.
Yun lang! God bless, and maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
“I was young and now I am old, yet I have never seen the righteous forsaken or their children begging bread.” — Psalm 37:25
シ