21/03/2020
My construction exposure has spanned years. Nung nagsisimula palang, iba ang perception ko sa mga tao. Magtratrabaho sila ng isang linggo tapos iinom pag sahod tapos ganun ulit. Habang tumatagal nako, dun ko sila mas naappreciate. Behind these simple men, kahit walang college degree, tatalunin nila sa skills ang mga baguhang may lisensya. Their mastery in their craft deserves to be acknowledged because no house, school, hospital, hotel, mall or church can be built without them. May ibang lolokohin ka, may ibang tatagal sayo, may ibang magiging kaibigan mo, pero lahat sila, at some point, ibubuhos nila pawis at pagod para maitawid ang project mo. Iiwan ang pamilya para sumahod at mag trabaho para sayo. Hindi biro yung ilang taon na binibigay nila para maging magaling na pintor, karpentero, tilesetter etc. Kaya dapat irespeto nating mga "professionally licensed" mga ksamahan natin sa site.
We may have had years of study, but they have years of experience and skills that we may never be able to acquire in our professional practice. 👷♂️👷♀️👨🏭👩🏭👨🔧👩🔧