15/09/2026
WATCH: Iqbal, nanawagan ng agarang pagtugon sa election-related violence; UBJP bukas sa coalition
Nanawagan si MP Mohagher Iqbal sa security sector na agarang tugunan at imbestigahan ang mga insidente ng karahasan na naganap kasabay ng unang Bangsamoro Parliamentary Election, matapos aniyang ilang supporters ng kanilang partido ang nasawi. Giit ni Iqbal, mahalagang maibigay ang hustisya sa mga biktima upang maiwasang magdulot ng galit at pagkawala ng tiwala sa proseso ng halalan.
Samantala, sinabi ni Iqbal na dahil walang partido ang nakakuha ng malinaw na majority sa Parliament, kinakailangan ang negosasyon at coalition sa pagitan ng mga partidong may magkakatulad na plataporma. Ayon sa kanya, nakakuha ang UBJP ng 30 puwesto ngunit hindi sapat upang makabuo ng sariling pamahalaan. Inaasahang magpapatuloy ang proseso hanggang sa pagpupulong ng unang Bangsamoro Parliament sa Oktubre 30.