04/12/2025
GRADUATION CEREMONY NG 350 BIAF COMBATANTS MULA SA BASE,FRONT,DEPUTY AT BRIGADE KUMANDER,MASAYANG TINANGGAP ANG SERTIPIKO NG PAGTATAPOS SA [SPD-B]
Masayang nagtapos ngayon araw ang 350 Combatants ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) sa kanilang pag aaral sa School of Peace and Democracy-Bangsamoro (SPD-B) na ginanap sa KCC Convention Center, Disyembre 4, 2025 ,3rd Floor, KCC Mall, Cotabato City
Ang naturang graduation ceremony ay pinangunahan ng Development Academy of the Bangsamoro sa pakikipagtulungan ng United Nations Development Programme (UNDP) Philippines.
Ang mga nagsipagtapos ay mula sa Base Commander,Front Commander,Deputy at Brigade Commander kasama ang mga Medic mula sa myembro ng BIWAB ng Moro Islamic liberation Front [M**F].
Ayon kay DAB-CEE Division Chief,Noraida A. Datumanong,Ed.D,tumagal ng morethan a month bago magtapos ang 7 Batch mula sa buong lalawigan ng BARMM region.
Noong nakaraang taon ay mayroon ng umanong naunang nagtapos na 174 na Combatants na may 4 na Specialization Track,tulad ng Facilitation,Mediation,Socio-economic at Religious Affairs.
Dumalo sa Seremonya sina MENRE Minister Akmad A. Brahim,MP Akmad Jack Abas,MP Butch P. Malang at mula sa DAB Director Nasrudin P. Yusof,Ph.D, DAB-CEE Division Chief,Noraida A. Datumanong,Ed.D at mga dignitaryo.
Ang programang SPD-B ay dinisenyo para sa mga nagbabagong combatants ng M**F na sumusuporta sa kanilang paglipat mula sa mga armadong indibidwal tungo sa mapayapang aktibong pakikilahok sa pulitika.
Ang inisyatibong ito ng akademya,pamamagitan ng Center of Education and Extension Division ay katuwang ang United Nations Development Programme (UNDP) Philippines.
Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng akademya ang isang mahalagang milestone para sa mga nagsipagtapos ng SPD-B mula sa iba't ibang front ng M**F.