Camarines Norte News

Camarines Norte News The very first news portal in Camarines Norte to cater news & information to all CamNorteños across the world. Est. 2014

TINGNAN: Posibleng unti-unti nang maramdaman simula sa Oktubre ang epekto ng inaasahang malakas na El Niño, batay sa pin...
28/09/2026

TINGNAN: Posibleng unti-unti nang maramdaman simula sa Oktubre ang epekto ng inaasahang malakas na El Niño, batay sa pinakahuling monitoring ng PAGASA.

Kabilang ang Camarines Norte sa mga probinsiyang posibleng maapektuhan ng tuyong kondisyon ng panahon, kasabay ng iba pang lugar sa bansa.

Ayon sa PAGASA, 29 na probinsya ang posibleng makaranas ng dry condition, siyam naman ang inaasahang makakaranas ng dry spell, habang walo ang posibleng makaranas ng drought o matinding tagtuyot.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang dry condition ay tumutukoy sa kakulangan ng pag-ulan sa loob ng dalawang magkasunod na buwan. Ang dry spell naman ay ang hindi sapat na pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, habang ang drought ay tumutukoy sa matinding kakulangan ng ulan na tumatagal nang limang buwan.

Mahalagang manatiling mapagmatyag sa mga susunod na abiso ng PAGASA, lalo na sa posibleng epekto ng El Niño sa suplay ng tubig, agrikultura, at pang-araw-araw na pamumuhay.

27/09/2026

SIGHTS AND SOUNDS during the last day of the 2026 Safe Surf BGB CamNorte National Competition at Bagasbas Beach in Daet town on Sunday, September 27.

The event is sanctioned by the United Philippine Surfing Association in partnership with the Department of Tourism Bicol, the provincial tourism office under the provincial government, the local government of Daet, and Bagasbas Surf Club, Inc.

Norj Abarca

27/09/2026

FINAL POP-UP. Competing surfers from across the country lineup as they wait for the perfect wave Sunday morning, September 27 — the last day of the 2026 Safe Surf BGB CamNorte National Competition at Bagasbas Beach in Daet town.

The event is sanctioned by the United Philippine Surfing Association in partnership with the Department of Tourism Bicol, the provincial tourism office under the provincial government, the local government of Daet, and Bagasbas Surf Club, Inc.

Norj Abarca

URANIUM-BEARING MINERALS, NATUKLASAN SA LARAP, CAMARINES NORTEJOSE PANGANIBAN, Camarines Norte - Natukoy ng mga Pilipino...
26/09/2026

URANIUM-BEARING MINERALS, NATUKLASAN SA LARAP, CAMARINES NORTE

JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte - Natukoy ng mga Pilipinong siyentista ang uranium-bearing minerals sa Bessemer, Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte, kasabay ng matagumpay na laboratory testing ng proseso para mapataas ang konsentrasyon ng uranium sa nakuhang materyal.

Isinagawa ang pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI), University of the Philippines Diliman, at Akita University sa Japan.

Kinumpirma ng mga mananaliksik na uraninite ang pangunahing mineral na naglalaman ng uranium sa mga surface deposit na sinuri. Mula sa orihinal na materyal na may 244 parts per million (ppm) ng uranium, napataas ito sa 305 ppm gamit ang kombinasyon ng flotation at magnetic separation, habang nasa 73 porsyento ng uranium ang na-recover sa final product.

Gayunman, nilinaw ng mga mananaliksik na ang nabuong materyal ay hindi pa yellowcake at hindi rin nuclear fuel. Kailangan pa itong sumailalim sa karagdagang proseso gaya ng leaching at purification upang makagawa ng uranium concentrate.

Samantala, hindi pa rin natutukoy ng pag-aaral kung gaano karami ang uranium na matatagpuan sa ilalim ng Larap. Surface deposits lamang ang sinuri kaya hindi pa matukoy ang lalim, kapal, at lawak ng uranium-bearing zones sa ilalim ng lupa.

Kailangan pa ng mas detalyadong geological, radiometric, at geophysical surveys, gayundin ng systematic drilling at pagsusuri sa drill cores upang matukoy ang aktuwal na laki at uranium content ng deposito.

Kung makapagtatala ng makabuluhang uranium resource ang mga susunod na pagsusuri, kakailanganin pa ring pag-aralan ang economic viability ng pagmimina at processing, environmental at radiological impacts, regulatory requirements, at epekto nito sa mga komunidad bago isaalang-alang ang anumang development.

May iba pang potensyal na mineral na nakita sa materyal, kabilang ang copper, molybdenum, at magnetite, na nahiwalay din sa isinagawang laboratory process.

Dumating ang pag-aaral habang pinag-aaralan ng Pilipinas ang posibleng paggamit ng nuclear power bilang bahagi ng energy mix ng bansa. Sa ilalim ng Philippine Energy Plan, target ng pamahalaan ang hindi bababa sa 1,200 megawatts ng nuclear power capacity pagsapit ng 2032.

Binigyang-diin naman ng mga mananaliksik na hindi nangangahulugan ang pag-aaral na handa na ang Pilipinas na gumawa ng sarili nitong nuclear fuel. Sa halip, nagbibigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa uranium mineralization sa bansa, sa mga prosesong maaaring gamitin upang mapataas ang uranium concentration, at sa mga susunod pang hakbang upang matukoy kung karapat-dapat itong sumailalim sa mas malawak na exploration.

Ang pag-aaral na pinamagatang “Integrated magnetic separation-flotation process for uranium preconcentration from Cu–Mo sulfidic and magnetite-bearing sample” ay inilathala sa 2026 Special Issue on Nuclear Science and Technology ng SciEnggJ. Pinondohan ito sa pamamagitan ng DOST Grants-in-Aid Program sa ilalim ng NuCycle Program-NuMER Project at isinagawa ng UP Diliman Department of Mining, Metallurgical and Materials Engineering at DOST-PNRI.

(Source: Techwatchph)

BSKE, IPINAGPALIBAN SA 2028; TERMINO NG BARANGAY AT SK OFFICIALS, GINAWANG LIMANG TAONMANILA — Nilagdaan na ni Pangulong...
25/09/2026

BSKE, IPINAGPALIBAN SA 2028; TERMINO NG BARANGAY AT SK OFFICIALS, GINAWANG LIMANG TAON

MANILA — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang bagong batas na nagpapaliban sa susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2028 at nagtatakda ng limang taong termino para sa mga halal na opisyal ng barangay at SK.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, na nilagdaan noong Setyembre 24, 2026, gaganapin ang susunod na regular na BSKE sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Mula rito, isasagawa na ang mga susunod na halalan kada limang taon.

Dahil dito, hindi na matutuloy ang BSKE na orihinal na nakatakda ngayong taon. Mananatili naman sa kanilang mga puwesto ang mga kasalukuyang barangay at SK officials hanggang sa mahalal at maging kwalipikado ang kanilang mga kahalili.

Ang bagong batas ay nagtakda rin ng limang taong termino para sa mga barangay at SK officials.

Ang pagpapaliban sa BSKE ay ika-limang pagkakataon nang naantala ang mula noong 2016.

Noong 2016, ang halalan ay ipinagpaliban sa 2017. Ang 2017 elections ay muling inilipat sa 2018, habang ang halalan na nakatakda noong 2020 ay ipinagpaliban sa 2022. Ang 2022 elections naman ay inilipat sa 2023.

Inaatasan din ng RA 12326 ang Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Elections (Comelec), mga state universities and colleges, at iba pang kaukulang ahensya, na magsagawa ng tuloy-tuloy na pagsasanay at capacity-building programs para sa mga opisyal ng barangay at miyembro ng SK.

May itinakda ring transitional rules para sa mga incumbent barangay officials. Kabilang dito ang probisyon na nagbabawal sa ilang opisyal na nakumpleto ang isang termino sa ilalim ng pinalawig na arrangement na tumakbo muli sa parehong posisyon sa Nobyembre 2028.

Naipasa ng Senado ang panukala noong Setyembre 14 at inaprubahan naman ng House of Representatives bilang amendment sa bersyon nito noong Setyembre 16. Nilagdaan ito ng Pangulo noong Setyembre 24.

Sa ilalim ng bagong batas, Nobyembre 2028 na ang susunod na regular na BSKE at limang taon na ang magiging pagitan ng mga susunod na halalan.

| Edwin Datan, Jr., CNNews

UCN WAGI SA YFC REGIONAL INTERCOLLEGIATE COMPONENTNagwagi ang grupo ng mga mag-aaral mula sa University of Camarines Nor...
24/09/2026

UCN WAGI SA YFC REGIONAL INTERCOLLEGIATE COMPONENT

Nagwagi ang grupo ng mga mag-aaral mula sa University of Camarines Norte (UCN) sa Regional Level ng Young Farmers Challenge (YFC) Season 6 - Intercollegiate Component.

Ang grupo ay binubuo nina Steven R. Delos Santos, Rod Joshua E. Nacario, at Cedric Y. Mañago na may proyektong “Enamel+” ang itinanghal na Regional Level Awardee.

Dahil sa kanilang panalo, tatanggap sila ng P250,000 na puhunan at sila ang magiging opisyal na kinatawan ng Bicol Region sa YFC National Level Competition.

Namayagpag ang kanilang grupo sa sampung kalahok mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad sa rehiyon matapos nitong maipamalas ang pagiging innovative, malinaw na revenue stream, value addition, at social responsibility ng kanilang proposed agri-fishery enterprise.

Mula sa simpleng academic requirement, ngayon ay umusbong na ito bilang isang pangarap na negosyo.

Nakatakda nilang iuwi ang P500,000 na premyo sakaling palarin sa National Level.

📸 Department of Agriculture -Bicol/Facebook

CANORECO Advisory:POWER SERVICE INTERRUPTIONGAWAIN: Line transfer to newly constructed line, transformer relocation, rig...
24/09/2026

CANORECO Advisory:
POWER SERVICE INTERRUPTION

GAWAIN: Line transfer to newly constructed line, transformer relocation, right-of-way (R.O.W.) obstruction clearing and other preventive maintenance activities.

PETSA: September 26, 2026 (Sabado)

ORAS: 8:00 AM - 12:00 NN (4 Oras)

APEKTADONG LUGAR:
> Brgys. Gahonon at Gubat, Vinzons Ave. hanggang Gov. Panotes Ave. (mula P-3, Brgy. Itomang hanggang Mabini Colleges), J. Lukban St. (mula Jollibee Daet-Bayan hanggang 101 Department Store) sa bayan ng DAET;
> Brgys. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, San Roque, at Del Rosario sa bayan ng MERCEDES;
> Bahagi ng Brgys. Calintaan, Cahabaan, Binanuaan, at Itomang sa bayan ng TALISAY.

Maaaring maibalik ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang nasabing mga gawain.

23/09/2026

'DENR EXPRESS: PERMITTING ON WHEELS' IS IN DAET

Geri-Geronimo R. Sañez, Bicol director of Environmental Management Bureau (EMB) of the DENR, expounds about the services of the program which will last until September 24 at SM City Daet.

23/09/2026

STOKED IN CAMNORTE

WATCH:Surfers and guests from across the country are visibly amped during the opening festivities of “Safe Surf BGB CamNorte - National Surfing Competition 2026” Wednesday afternoon — ahead of the 3rd National Surf Summit and Surf Competition from September 23 to 29.

The provincial government’s tourism office has stated that approximately more than 300 participants are expected to turn up and join the eagerly anticipated weeklong event — the first to be hosted in Bicolandia.

Previously held in La Union (2022) and Eastern Samar (2023), the third iteration of the event will be jointly done in Bagasbas Beach in Daet town and San Jose Beach in neighboring Talisay town.

The event is a collaborative effort among the United Philippine Surfing Association, the Department of Tourism - Bicol, and the local governments involved.

Norj Abarca

🍿🎬 MOVIE TIME AT SM CINEMA DAET! 🎬🍿Make any day a MOVIE DAY! 🤩🔥Catch the latest blockbuster hits and must-watch movies a...
22/09/2026

🍿🎬 MOVIE TIME AT SM CINEMA DAET! 🎬🍿

Make any day a MOVIE DAY! 🤩🔥
Catch the latest blockbuster hits and must-watch movies at SM Cinema Daet! 🎟️✨

🎬 NOW SHOWING
📅 September 23, 2026

🎥 Cinema 1
⭐ Avengers Endgame: Encore

🎥 Cinema 2
⭐ Avengers Endgame: Encore
💀 Resident Evil

🎥 Cinema 3
🩷 Uranus 2324
🐺 Heart of the Beast

🎥 Cinema 4
🏝️ Forgotten Island

Whether you're looking for action, adventure, thrills, or unforgettable movie moments, there’s always something waiting for you! 🎞️🍿❤️

🎟️ BUY YOUR TICKETS NOW!
📱 SM Cinema App
🍎 Apple: https://gosm.link/SMCinemaAppApple
🤖 Android: https://gosm.link/SMCinemaAppAndroid
🔗 www.smcinema.com
🎟️ SM Cinema Ticket Booths

‼️ IMPORTANT REMINDERS ‼️
✔️ MTRCB ratings will be strictly followed. Cinema personnel may request a valid ID showing your date of birth when necessary.
✔️ Screening schedules are subject to change without prior notice.

✨ MAKE IT A MOVIE DAY!
Gather your squad, bring your family and friends, grab your favorite snacks, and MAKE MOVIES AWESOME with us! 🍿🎬❤️

📍 SM Cinema Daet
See you at the movies! 👋🎟️


Address

Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camarines Norte News:

Shortcuts

Share

Category