10/11/2025
CANORECO Advisory:
PAALALA SA POWER RESTORATION EFFORTS PAGKATAPOS NG BAGYONG UWAN
Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay kasalukuyang nagsasagawa ng assessment at inspection sa maaaring lawak ng pinsalang dulot ng Bagyong Uwan sa ating mga linya at pasilidad sa buong lalawigan.
Habang isinasagawa ang pagsusuri, ipinapaalala po sa lahat ng ating Member-Consumer-Owners (MCOs) na ang pagpapanumbalik ng kuryente ay isasagawa lamang kapag natiyak na ligtas itong gawin para sa ating mga MCO at mga Line Worker.
Upang maging maayos at sistematiko ang proseso ng restoration, susundin ng CANORECO ang pagkakasunod-sunod na prayoridad sa pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente:
1. Three-Phase Line\Main Line
2. Mga Ospital\Rural Health Units
3. Mga Water Facilities
4. Municipal Hall ng bawat bayan
5. Centro ng bawat bayan
6. Mga Police at Fire Station
7. Mga simbahan at paaralan
8. Mga gusaling pang-negosyo
9. Mga kabahayan
Ang bilis ng pagpapanumbalik ng kuryente ay nakadepende sa maaaring lawak ng pinsala at kondisyon ng panahon sa mga apektadong lugar. Asahan po na ang Kooperatiba ay patuloy na magsisikap na maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon habang inuuna ang kaligtasan ng lahat.
Paalala na iwasang lapitan o galawin ang mga bumagsak na kawad o poste ng kuryente. I-report ito kaagad sa pinakamalapit na CANORECO Office o sa ating mga hotline number:
- AREA 1 OFFICE:
(Basud, Mercedes, Daet, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay, Vinzons) - 0908 186 5100 | 0919 095 2707
- AREA 2 OFFICE:
(Labo, Capalonga, Santa Elena) - 0928 655 8316 | 0995 130 5414
- AREA 3 OFFICE:
(Paracale, Jose Panganiban) - 0910 934 6328
Patuloy po na mag-abang ng mga update mula sa CANORECO page at iba pang information channels.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan. Muli tayong babangon.