30/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐| Ibinahagi ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ang kanyang mensahe sa isinagawang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Dagupan at San Juan, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, matibay na ugnayan, at pagtutulungan ng dalawang lungsod para sa mas inklusibong pag-unlad.
Ayon sa alkalde, ang nasabing kasunduan ay hindi lamang simbolo ng pagkakaibigan kundi isang konkretong hakbang upang mapalakas ang palitan ng kaalaman, programa, at oportunidad na makikinabang ang mga mamamayan ng parehong lungsod.
Dagdag pa niya, umaasa ang pamahalaang lungsod na ang ugnayang ito ay magbubukas ng mas maraming proyekto sa larangan ng kalakalan, turismo, at serbisyong panlipunan.
Samantala, isinagawa ang seremonya bilang bahagi ng selebrasyon ng Bangus Festival 2026, na patuloy na nagsisilbing daan upang maipakita ang kultura, pagkakaisa, at sigla ng mga Dagupeรฑo.