27/05/2018
Pahiram ng 3 minutes mo, basahin mo to!
Gaano ka kasaya sa kinikita mo?
Try mo tanong yung mga favorite street food vendors mo. Isang araw habang kumakain ako ng kwek kwek, fishball, etc.
Hindi ko napigilan na tanungin si kuyang nag titinda kung magkano kinikita nya sa isang araw. Sabi nya, "700-800 sir, minsan po 1000 - 1200 pag pasukan at madaming tao. Neto na po yun, sakin po kasi itong cart at mga gamit."
Sabihin na natin na maaga talaga sya pumpwesto dun, madami sya tinitinda, at late na sya umuuwi, pero narealize ko, ganun din naman ako dati nung nag trabahaho ako, take note, nag aral ako for 10 years, then college, tapos first job offer ko pumapatak 600 pesos lang ang makukuha ko per day. Ang malala dun, gumagastos ako araw araw 100 sa pamasahe, pag kain 100, pano nalang kung mag rerent ka pa ng bahay, kuryente, tubig, at iba pang bills. Magkano nalang matitira sakin? abonado pa minsan.
Think again. Hindi ko sinasabi na mag resign ka na at mag street vendor ka nalang din. Kaya lang minsan, hindi totoo yung "Walang tumatanggap sakin sa work", "Hindi naman ako nakapag tapos", minsan you just have to swallow your pride and look for opportunities.
If you want to make a lot of money, if you want to save and enjoy while building your future, you need to swallow your pride and work smart, not just hard. Make sure na kung ano man yung ginagawa mo, ay mapapa sayo din pag dating ng panahon, kasi kung dadating yung time na mag reretire ka na, tapos lahat ng pinag trabahuhan mo hindi naman pala sayo or hindi mo mapapa mana. Para saan yung almost 80% ng buhay mo na nilaan mo para dun?