11/10/2025
Madali lang ba maging VA?
Noong nagsimula ako bilang Virtual Assistant, akala ko simpleng trabaho lang, mag-reply sa emails, mag-edit ng files, mag-manage ng schedule. Pero habang tumatagal, narealize ko, hindi pala basta trabaho ‘to.
May mga kliyenteng umaasa sa atin para gumalaw ang business nila, may mga taong natutulungan natin kahit hindi nila tayo nakikita. Minsan pagod, minsan sabog sa oras, pero iba ‘yung fulfillment kapag alam mong may naitulong ka.
Ngayon, masasabi ko talaga, hindi lang ako basta VA. Ako ‘yung backbone ng negosyo ng iba, at ako rin ‘yung bumubuo ng sarili kong success story, araw-araw. 💪💻✨