19/02/2026
At J4Digi Printing Services, we don’t just print shirts; we print PRIDE. Whether you’re competing in the next Intercollegiate Festival or looking to unite your squad, we provide high-quality, vibrant, and durable prints that stand out even in the heat of the competition.
𝐂𝐓𝐄𝐝, 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐜𝐡 𝐜𝐡𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧
Muling pinatunayan ng College of Teacher Education (CTEd) ang kanilang husay at pagkakaisa matapos masungkit ang ikalawang sunod na kampeonato sa bench cheering competition na ginanap sa campus gymnasium noong Pebrero 17, 2026.
Sabay-sabay at matitikas na galaw, malalakas na sigaw, at kahanga-hangang koreograpiya ang ipinamalas ng CTEd na nagbigay sa kanila ng mataas na puntos mula sa mga hurado. Ipinakita ng koponan ang disiplina, koordinasyon, at enerhiya na siyang nagdala sa kanila sa tagumpay.
Samantala, pumangalawa ang School of Midwifery (SOM), habang pumangatlo naman ang College of Business Administration (CBA).
Dahil sa kanilang panalo, nananatiling hawak ng CTEd ang titulo bilang back-to-back champion sa nasabing kompetisyon, patunay sa kanilang dedikasyon at patuloy na paghahanda para sa bawat laban.
Via | Janna L. Tangapa
Larawan | Arjay Galabin
Layout | Chester G. Canturias