21/01/2025
January 21, 2025 – Pormal na binigyan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac si Sen. Idol Raffy Tulfo ng kopya ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 12021 o “Magna Carta of Filipino Seafarers” bilang principal sponsor at isa sa mga main authors ng landmark legislation na ito.
Sinabi ni Sec. Cacdac kay Sen. Tulfo na ang IRR ay ang bunga ng pagtutulungan ng kanyang Opisina, ng DMW at lahat ng stakeholders na nagsusulong na mabigyan ng sapat na proteksyon at benepisyo ang ating mga marino.
Parehong nangako si Sen. Idol at Sec. Cacdac na tututukan nila ang pagpapatupad ng nasabing batas para masiguro ang tamang implementasyon nito!