07/03/2026
๐๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ๐ฆ๐จ๐ฅ๐จ๐ค, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฅ๐ข๐๐ซ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฏ๐๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ; ๐๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐
โDAVAO CITY โ Pormal nang binuksan ang "Balay Pag-Asa," isang temporary shelter na magsisilbing tuluyan para sa mga pasyente mula sa bayan ng Polomolok na sumasailalim sa medikal na gamutan sa lungsod na ito, noong Sabado, Marso 7.
โPinangunahan ni Polomolok Municipal Mayor Bernie D. Palencia ang soft launching at pagbabasbas ng pasilidad sa Barangay Pampanga, Davao City.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan mismo ng alkalde mula sa kanyang personal na pondo upang matiyak na may masisilungan ang kanyang mga kababayan nang hindi na nag-aalala sa gastos sa matutuluyan.
โAng Balay Pag-Asa ay isang konkretong two-storey house na may tatlong malalawak na silid.
Layunin nito na magbigay ng komportableng pahingahan para sa mga Polomolokeรฑos pagkatapos ng nakapapagod na proseso ng pagpila at pagbiyahe para sa kanilang mga medical referral.
โ
โDumalo rin sa seremonya si Brgy. Pampanga Chairman Rodrigo Badayos, kung saan binigyang-diin ni Mayor Palencia ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga komunidad para sa kapakanan ng mga nangangailangan.
โNagpahayag naman ng suporta si Peter L. Cowles, Executive Director ng Yebow Cure, bilang katuwang ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Polomolok sa nasabing inisyatibo. Kasama ring nagpakita ng suporta sina MSWDO Head Gretchelle Fatima A. Fowler at MHO Head Dr. Mary Grace D. Salmorin.