04/05/2026
Unity in action, serbisyo mula sa puso 💙🦅
Nagkakaisa ang Heneral Trias Matikas Eagles Club at Heneral Trias SF Matikas Eagles Club sa isang makabuluhang araw ng saya at malasakit—mula sa palaro para sa mga bata hanggang sa feeding program na puno ng ngiti at busog na puso. 🎉🍽️
Kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite, ipinakita natin na sa pagtutulungan, mas napapalakas ang komunidad at mas napapalawak ang kabutihan.
Serbisyo. Pagkakaisa. Pagmamalasakit. 🦅✨