04/03/2024
MAY MAIBUBUGA KA PA BA?
Feeling mo ba you’re too old to try new things? Parang dapat sa puntong ito ng buhay mo, sure ka na sa gagawin mo?
Pero bakit may pumipigil sa 'yo? Natatakot ka ba na baka masayang lang ang oras at panahon mo dito?
Mga kaChink, ang takot ay normal na pakiramdam lang. Pero maraming paraan para mabawasan o mawala ito.
KILALANIN ANG IYONG SARILI
Grabe naman, ilang taon ka na? Hindi mo pa rin ba kilala ang sarili mo? Lol!
But kidding aside, syempre sa puntong ito, alam mo na rin kung saan ka magaling hindi ba? Ito rin yung madalas nakikita ng ibang mga tao sa 'yo.
Magaling ka sa sales, magaling kang mag-handle ng customers, magaling ka makipag-usap, magaling ka magsulat, mahusay ka sa pakikisama sa mga katrabaho mo at iba pa.
PAGHUSAYAN ANG IYONG GALING
Ngayong alam mo na kung saan ka magaling, kung gusto mong mag-stand out, kailangan mo na mas paghusayan pa ito.
Attend seminars, explore more and expose yourself more in your own craft. Huwag kang makuntento sa kung ano na lang ang alam mo. Dahil marami pang bagay ang kailangan mong matutunan.
GAMITIN ANG IYONG KAALAMAN
At sa puntong ito, gamitin mo na ang iyong nalalaman. Maaari mo na itong pagkakitaan at maaari mo na rin itong gawing extra income sa simula.
Huwag mo munang iwan agad ang iyong trabaho kung hindi ka pa masyadong sigurado sa iyong bagong tatahakin. Siguraduhin mong handa ka na rin mentally dahil mahalaga na matibay ang iyong pag-iisip dahil
"Kung puro negatibo ang iniisip mo,
paano mo mapalalakas ang loob mo?"
- Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Saang larangan ka ng industriya magaling?
Paano mo mas paghuhusayin ang iyong galing?
Anong negosyo ang maaring mong simulan?