17/01/2026
Kinwestyon ni Atty. Martin Delgra, legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung bakit inaresto ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang kliyente gayong kulang pa ang mga testigo ng korte.
“Dito, sa nangyayari nga sa ICC, naghahanap pa sila ng testigo pero kinulong na nila ‘yung tao, ‘yung akusado,” ani Delgra.
Sa eksklusibong panayam sa , sinabi ni Delgra na wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo laban kay Duterte kaugnay ng umano’y isyu ng war on drugs. Binigyang-diin niya na hindi umatras ang dating pangulo sa kaso, ngunit ayaw aniya nilang malitis si Duterte sa korte ng ibang bansa.
Ito ay matapos maglabas ang ICC ng website kung saan nananawagan sa mga posibleng saksi na magbigay ng impormasyon kaugnay ng patuloy nitong imbestigasyon. | DZRH News
Basahin ang kabuuang ulat sa comment section.