09/08/2026
Magandang maulang gabi po sa ating lahat, lalo na sa mga residente ng Real, Infanta, at General Nakar.
Kami po ay humihingi ng inyong pang-unawa kung sakaling makaranas kayo ng mabagal, putol-putol, o pansamantalang pagkawala ng koneksyon sa internet. Ang mga aberyang ito ay maaaring dulot ng patuloy na masamang panahon na nakaaapekto sa aming mga linya ng komunikasyon.
Nauunawaan po namin ang inyong hinaing lalo naβt alam naming mahalaga ang internet sa ating pang-araw-araw na gawain, para sa trabaho, pag-aaral, komunikasyon, negosyo, at iba pang mahahalagang pangangailangan.
Makaaasa po kayo na ginagawa ng aming Technical team ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang maayos na serbisyo at agad na maibalik sa normal ang koneksyon sa oras na maging ligtas ang kondisyon ng panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.