18/07/2026
π₯ππ¦π£ππ§π’ ππ§ ππππππ§ππ¦ππ‘ π£ππ₯π π¦π πππππ§.
Ang bawat Pilipino ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan at paggalang sa anumang pampublikong lugar, paaralan, lugar ng trabaho, pampublikong transportasyon, at maging sa online na espasyo.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang anumang uri ng gender-based sexual harassment, kabilang ang catcalling, pambabastos, pangungutya, hindi kanais-nais na pananalita o kilos, stalking, at online harassment.
Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng batas at hinihikayat ang publiko na agad na iulat ang anumang insidente ng harassment. Sa pamamagitan ng paggalang sa karapatan ng bawat isa at aktibong pakikilahok ng komunidad, sama-sama nating mapananatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang lipunan.
"Respeto ang Simula ng Ligtas na Espasyo."
"Walang Puwang ang Harassment sa Ating Pamayanan."
"Igalang ang Karapatan ng Bawat Isa."