Engkwentro Dokumentaryo

Directions

Engkwentro Dokumentaryo News vlogs

01/09/2026

SUGATANG PULIS TULOY-TULOY ANG PAGGALING


Personal na binisita ni PBGEN GLENN GUIRIBA SILVIO, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO 5), si PSSG Noli M. Miraña, na malubhang nasugatan at naputulan ng kaliwang kamay habang rumesponde sa isang insidente sa San Jose, Camarines Sur noong August 22, 2026

Matagumpay namang naikabit muli ng mga doktor sa Bicol Medical Center ang kanyang kaliwang kamay, at patuloy siyang nagpapagaling.

Sa kanyang pagbisita, personal na nagpaabot si PBGEN Silvio ng financial assistance. Pinuri rin niya ang katapangan at dedikasyon ng pulis sa pagtupad ng tungkulin at tiniyak na hindi ito nag-iisa sa kanyang pagbangon.

Ibinahagi rin ni PBGEN Silvio ang “Damayan Fund,” isang programang layong makatulong sa kapulisan ng at kanilang pamilya na dumaraan sa mahihirap at hindi inaasahang sitwasyon.

Nauna nang ginawaran si PSSG Miraña ng Medalya ng Sugatang Magiting bilang pagkilala sa kanyang katapangan at sakripisyo sa tungkulin.

Courtesy: Police Regional Office 5




01/09/2026

PRO 5, SUNOD-SUNOD ANG HULI SA DROGA, WANTED PERSONS AT IBA PANG OPERASYON SA BICOL


LEGAZPI CITY — Sunod-sunod ang naging operasyon ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region laban sa illegal drugs, wanted persons at iba pang banta sa peace and order.

☆Sa Daet, Camarines Norte, nilambat ang Rank No. 4 Provincial Most Wanted Person na si alyas “Lon,” 38, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165.

☆Sa Viga, Catanduanes, dalawang drug suspects, kabilang ang isang High-Value Individual (HVI), ang kalaboso sa buy-bust operation. Narekober ang tinatayang 9.81 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱66,708.

☆Sa Nabua, Camarines Sur, tatlong hinihinalang drug personalities naman ang himas-rehas at timbog ng humigit-kumulang 16 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated value na ₱108,800.

☆Isa pang High Value Individual, ang arestado sa Bula, Camarines Sur, kung saan tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1.02 milyon ang narekober sa operasyon.

☆Samantala, naaresto rin sa Ocampo, Camarines Sur ang isang Provincial Most Wanted Person ng Cavite na may umiiral na warrant of arrest kaugnay ng kasong sexual assault involving a minor.

☆Sa Masbate, naaresto rin ang isang listed wanted person na umano’y miyembro ng CTG matapos ang ilang taong pagtatago at nahaharap sa dalawang kaso ng Attempted Murder.

☆Bukod dito, nakarekober ang mga awtoridad sa Pio V. Corpus, Masbate ng iba’t ibang war materiel matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen. Agad na isinailalim sa tamang technical handling at evaluation ang mga nakuhang kagamitan.

☆Dalawang robbery suspects din ang naaresto sa Lagonoy, Camarines Sur matapos ang mabilis na responde ng pulisya sa reklamo ng isang store owner.

Ayon kay PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director ng PRO 5, magpapatuloy ang pinaigting, intelligence-driven at coordinated police operations upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong Bicol Region.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng publiko sa pamamagitan ng agarang pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad laban sa krimen at illegal na gawain.

Ang mga operasyon ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Focused Agenda on Enhanced Managing Police Operations na direktiba ni Chief PNP, PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ.

Courtesy: Police Regional Office 5








31/08/2026

PAGBISITA NI RD SILVIO SA REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION 5

LEGAZPI CITY – Personal na binisita ni Police Brigadier General Randy Glenn G. Silvio, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO5), ang Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5) upang magbigay-pugay at suportahan ang mga tauhan nito.
Pagdating mula sa Bicol International Airport galing Maynila, agad na nagtungo si PBGEN Silvio sa kampo ng RMFB 5. Doon ay nagsagawa siya ng pamimigay ng mga komendasyon sa mga natatanging kapulisan na nagwagi sa kamakailang SWAT Challenge.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBGEN Silvio na unang-unang binisita niya ang nasabing unit dahil sa kanilang natatanging kasanayan at kadalubhasaan sa rural at urban police operations, gayundin sa Search and Rescue (SAR) operations.
Pagkatapos ng seremonya, ininspeksyon ni RD Silvio ang mga kagamitan ng RMFB 5 na ginagamit sa SAR. Ibinahagi rin niya ang mga go bags, reflectorized helmets, at vests na magagamit ng unit sa kanilang mga SAR operations sa rehiyon.
Ang pagbisita ay nagpapakita ng patuloy na suporta at pagpapahalaga ng PRO5 leadership sa mga frontline units na nagsisilbing pangunahing pwersa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa Bicol.

31/08/2026

LEGAZPI CITY – Isinagawa ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, RD PRO5 ang isang inspeksyon sa loob ng Camp Ola dito sa lungsod upang matiyak ang kaayusan at kalinisan sa loob ng kampo.
Layunin ng nasabing pagbisita na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng pasilidad at tukuyin ang mga proyekto na maaaring magdagdag pa ng kagandahan sa loob at labas ng kampo.
Ayon sa ulat, personal na sinuri ni PBGEN Silvio ang iba’t ibang bahagi ng Camp Ola upang matiyak na nananatiling maayos, malinis, at angkop ang kapaligiran para sa mga tauhan at bisita.
Ang inspeksyon ay bahagi ng patuloy na pagsisikap upang mapanatili ang disiplina, kaayusan, at propesyonal na anyo ng kampo.

31/08/2026
31/08/2026
07/03/2026
04/03/2026

CTTO Novaliches Police Station 4, QCPD

Address

Legazpi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Engkwentro Dokumentaryo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category