COACH ALGIE

COACH ALGIE Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from COACH ALGIE, Advertising/Marketing, Lipa City.

08/08/2020
01/08/2020

Sikapin mong umangat para sa pamilya mo, hindi para higitan ang ibang tao.

Because a beautiful soul deserves a beautiful life.❤

12/07/2019

Basahin mo madami ka mapulot na aral.

You must plan to achieve your goals.
Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”

Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!

After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?

Isang Kahig, Isang Tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.

What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aa

“You are your limitation”One of the biggest reason why a lot of people are not successful in life is because we are the ...
04/07/2019

“You are your limitation”

One of the biggest reason why a lot of people are not successful in life is because we are the ones who limit ourselves. We always find evidences that “I CAN’T” rather than believing “YES I CAN”.
Sometimes we are NOT aware that we find other things/people/situation to blame for us not being successful.

My belief is with the help and guidance from God, when you pursue what your spirit is telling you and take action, you’ll be successful. Then you can declare, “i can do all thing through Christ who is my strength!”

Stop stopping you. Just DO it!

Sa Employment pag ikaw ay tumagal;Ano naiipon? UTANGAno nadagdag? EDADAno nawawala? ORASTOTOO BA O TOTOONG-TOTOO?Ang tao...
01/07/2019

Sa Employment pag ikaw ay tumagal;
Ano naiipon? UTANG
Ano nadagdag? EDAD
Ano nawawala? ORAS
TOTOO BA O TOTOONG-TOTOO?
Ang tao habang tumatanda lumiliit din ang opportunity.If you are working right now at kulang ang sahod mo sa lahat ng pangaingailangan mo at ng pamilya mo,kahit ulit ulitin mong gawin yan sa susunod pang mga taon,Malabong magkaroon ka ng tinatawag na TIME FREEDOM AT FINANCIAL FREEDOM.Papayag ka bang jan ka na TUMANDA at maubos ang oras mo?
Pag ginawa mong part time ang business opportunity na ito malaki ang pweding kikitain mo dito,ipunin mo, may SAVINGS ka!!
kahit maubos ang sinasahod mo,meron ka namang EXTRA INCOME!!
Ang kagandahan pa ay hindi mo naman gagawing mag isa.Tuturuan ka paano ka kikita.Oh diba mas maganda yun? Nakakasawa at pagod kaya yung paulit ulit nalang tapos walang napupundar o napaghahandaan para sa future.

For Interested Comment "How"

Changing Lives!!!

Ang Ganda lang ng Story 😁Merong isang Professor na gustong magpahatid sa Bangkero sa kabilang side ng isla.Sabi ng Profe...
30/06/2019

Ang Ganda lang ng Story 😁

Merong isang Professor na gustong magpahatid sa Bangkero sa kabilang side ng isla.

Sabi ng Professor:
Mr. Bangkero! Dalhin mo nga ako sa kabilang side ng isla!

Yes sir! Sagot ng Bangkero.

At habang nagsasagwan ang Bangkero nagtanong ang Professor.

Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa english?

Bangkero:
Naku!!! Sir hindi po, kasi grade 3 lang po ang natapos ko.

Professor:
Ah ganun ba? Alam mo ba na 1/4 ng buhay mo ang mawawala dahil dyan?

Napabulong na lang ang Bangkero, grabe naman to! di lang ako magaling sa ingles 1/4 na agad ng buhay ko ang mawawala?

Nagtanong ulit ang Professor…

Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa math?

Bangkero:
Naku!!! Sir hindi rin po, mahina po ako dyan.

Professor:
Ah ganun ba? So mawawala na ulit ang 1/4 ng buhay mo.

Bangkero:
Ilan na yun sir?
(kalahati na ng buhay mo ang mawawala. sagot ng prof.)
Grabe naman! Kalahati na ng buhay ko ang mawawala?

Nagtanong ulit ang Professor…......

Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa science?

Bangkero:
Naku!!! Sir lalong hindi rin po, mahina po ako dyan.

Professor:
Ah ganun ba? So 1/4 na ulit ang mawawala sa buhay mo.

Bangkero:
Tatlong 1/4 na ang mawawala sa buhay ko sir?
Ilan na lang po ang natira sir?
(1/4 na lang sagot ng prof.)
Isang tanong na lang ubos na buhay ko sir?

At habang sumasagwan ang Bangkero sa kalagitnaan ng isla, ay sobrang kabado na sya.

Baka magtanong ulit si Professor, at baka ang itanong ulit sa kanya ay subject sa school, sigurado mauubos na ang buhay nya.

Kaya ang ginawa nya ay binilisan nya ang pagsagwan para makarating na agad sa kabilang side ng isla.

Sa sobrang bilis nya, tumaob ang bangka!

At pagkataob na pagkataob ng bangka, nagsisigaw ang Professor ng..... HELP! HELP! HELP!

At ang Bangkero naman ay pa-floating floating lang tapos nag-back stroke pa habang naglalangoy.

Ang Bangkero naman ang nagtanong sa Professor.

Bangkero:
Sir! Professor, marunong ka bang lumangoy?

Professor:
HINDI! HINDI! Tulungan mo ako baka malunod ako.

Bangkero:
Sir! Professor gamitin mo ang ingles, math, at science para maligtas ka, kasi ako 1/4 na lang ang natitira sa buhay ko sabi mo. Kung hindi you will lose 100% of your life! 🙂

Natawa ka sa kwento ano!

Anong point doon kaibigan?

Minsan kailangan mong mag'humble down, dahil baka ang kausap mo ay may alam na hindi mo alam.

Ipakita mo na makakatulong ka sa kanya at hindi magmataas.

So again we respect po kung ano ang alam nyo.

I respect kung ano ang profession mo.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon magagamit mo ang profession mo.

Salamat sa pagtatyaga mo tapusin ang pagbabasa sa kwentong ito😊

Matuto tayong gumalang.
May alam siyang gawin na hindi mo alam gawin.
At may alam ka din gawin na hindi niya kayang gawin.

“ALWAYS REMAIN HUMBLE AT ALL TIMES”

30/06/2019

Life goes on whether you choose to move on and take a chance in the unknown or stay behind locked in the past thinking of what could have been

Address

Lipa City
4234

Telephone

639063680281

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COACH ALGIE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share