21/09/2026
𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐁𝐈𝐍𝐔𝐁𝐔𝐑𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍.
54 na taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi dapat kasabay nitong maglaho ang mga alaala ng mga Pilipinong nakaranas ng takot, pang-aabuso, at pagkawala ng mga karapatan.
Kaisa ang UP Agribusiness Society at ang buong sambayanang Pilipino sa komemorasyon sa masalimuot na karanasang dinanas ng ating mga kababayan sa ilalim ng rehimeng Marcos at ng Batas Militar. Sa mahigit dalawang dekada ng pamumuno nito, iniwan sa ating kasaysayan ang malalim na sugat ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, korapsyon, katiwalian, at karahasan.
Makalipas ang mahigit limang dekada, muling nagkaroon ng Marcos sa pagkapangulo ng bansa. Lalong nagiging mahalaga ang pagpapanatili ng katotohanan sa kasaysayan, lalo na sa harap ng mga pagtatangkang baguhin, pagtakpan, o baluktutin ang mga alaala ng nakaraan. Huwag nating hayaang mabago, baluktutin, o burahin ng paglipas ng panahon ang mga aral ng nakaraan. Sapagkat ang kasaysayan ay hindi lamang mga pahina sa aklat. Ito ay mga buhay na naapektuhan, mga pamilyang nagdala ng mga alaala, at mga karapatang ipinaglaban.
Huwag tayong manahimik. Makialam, makiisa, at makilahok. Ipagpatuloy ang pag-alala, ipaglaban ang katotohanan, at gamitin ang ating tinig upang mapanatiling buhay ang mga aral ng kasaysayan para sa mga susunod na salinlahi.
𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍! 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐆𝐄𝐓!