18/08/2020
Ang Apostles Youth Organization ay kasalukuyang nagsasagawa ng donation drive na pinangalanang “MAY PAPEL KA”.
Layunin ng gawain na makalikom ng pera upang makabili ng mga dagdag supplies, partikular ang mga papel / bond papers, para sa modular learning ng mga kabataang nag-aaral sa mga sekundaryang paaralan sa Luisiana, Laguna (LDL, LBMHS, SBINHS Main and Annex)
Sa anumang halagang bukal sa inyong kalooban, maaari ka nang makatulong sa mga kabataang Luisianahin at makapagbigay sa kanila ng pag-asa na patuloy na matuto sa kabila ng hinaharap nating krisis dulot ng COVID-19.
Sa mga estudyante at sa lahat ng magiging donors, “MAY PAPEL KA ngayong panahon ng pandemya”. ❤️