Alagad Ni-Kanor

Alagad Ni-Kanor TARPAULIN PRINTING

25/05/2016

Love inFEUsion

Sheeeems! Late na ko!" yan halos ang maririnig mo sa lugar ng ating kalbaryo, ang tahanan ng mga "ChamFEUns" (dahil sa UAAP'78 Mens Basketball Championship), ang Far Eastern University. Pero mas may dating ang mga katagang yan sa sub-school nito na tinatawag na FEU Institute of Technology. Paanong hindi mo mapapansin... Late ka na nga, 'di ka pa papasukin ng mga mahihigpit na guard na kala mo'y taga-bantay ng White house o Malacanang dahil naiwan mo yung ID mo at nilabag mo daw ang " NO ID, NO ENTRY " policy.
Sa wakas! nakapasok din, sa hinaba-haba ba naman ng pila sa LRT este sa FIT. Ang masama pa nun, kung halughugin nila yung mga bag... akala nila magnanakaw tayo. "Haaaaaaay!" Eto na, nasa harap na ako ng pinto ng pagsisisi, ang harapan ng Elevator na nagsasalita. Ang nakakainis na "6th Floor... Opening... Going up! ....Closing" binasa mo yung katagang sinabi ko gamit ang boses nung elevator 'no? Palibhasa araw-araw nating naririnig ang paulitulit na nakakarininding linyang yan.
Ngunit nagbago ang lahat ng makita ko siya, ang babaeng bumighani sa aking pagkatao. "Marshaaaaaa! Ikaw pala." nasambit kong pabigla habang nangangatog ang tuhod ko nang magkasabay kaming dalawa sa elevator. Hindi ko maipinta ang aking itsura dahil parang sasabog ang puso ko kapag kasama siya... "TANGINA! ang ganda niya!" pasigaw kong sinabi sa aking sarili habang parang tangang nakatitig sa CCTV sa oob ng elevator na parang di naman nagana nang bigla siyang nagsalita... "Ikaw pala _____, samahan mo naman ako mamaya sa Hepalane... Nagugutom ako ee." .YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEES! Nagpantay na ang langit at lupa! Kumanta na ang mga anghel sa kalangitan! Umawit na ang mga ibon sa himpapawid! Hindi ko maitago ang aking saya at agad agad akong sumagot ng oo na parang nabigla ng todo.
Nang kami ay makarating sa aming klase, hindi na mawala ang ngiti sa aking mga mata, sa aking labi, at malamang...sa aking puso. Pero bigla nalang nagbago ang lahat nang sabihin ang "ZERO BASED" na midterm grades namin sa Calculus... " Reyes, your grade is 0.5". Hooooooly Shiiift... 0.5... sarap itapon sa basurahan kahit alam mo na binigay mo naman ang lahat pero 'di talaga niya naappreciate! FU***NG CALCULUS! FUUUUUCK... FUUUCK... FUUUUUCK... Ang ganda na ng mga nangyari pero binasag ng hinayupak na Calculus na yan!
Dahil sa pangyayaring yun, naaalala ko yung sinabi ni Marsha tungkol sa Hepalane, lumapit ako at inalok ko siya na kumain na dahil nakaalis na rin naman yung walang awang teacher namin.
Nang makarating kami sa Hepalane, may isang FX na tumigil sa kanto at may lumabas na estudyanteng naka-PE Uniform at dali dali siyang lumapit sa amin. "Marsha!!!" nagpanting ang aking tenga at nagulat ng makita ko na halos kamukha niya yung lumapit."Marsha... Kanina pa ako chat ng chat sayo bakit puro seen lang ginagawa mo?!". Ni hindi kumibo o umimik si Marsha kaya't tinanong ko siya kung anong problema nang biglang sumabat ang babaeng naka-PE Uniform,"Boyfriend mo?!" Nang marinig ko yun sinambit ko sa sarili ko na sana totoo yun, malay mo diba? Dasal-dasal lang talaga. Matapos nang mga isang minuto ng paghihintay sa sagot ni Marsha, tumayo siya at sinabing...... "OO! BOYFRIEND KO SIYA! Wag mo na akong pakialaman! Bye... Tara na Alj..". Ngunit bago niya pa masabi ng buo ang pangalan ko... Isang malakas na alarm ang gumising sa natutulog kong diwa.. "TANGINA! Hanggang panaginip nalang pala!".

Aljohn Mark Reyes
BSCE-V01

25/05/2016

Alas Siyete

Nalalapit na ang pagtatapos ng klase at nalalapit na ang pasahan ng maraming proyekto at bukas na ang pasahan ng proyekto sa isa kong asignatura. Noong gabi pa lang ay inihanda ko na ang aking mga gamit at ang pe uniform na susuotin kinabukasan dahil hindi ako maaaring ma late at alas siyete ang oras ng pasahan ng aming proyekto. Ang hindi makapag pasa sa nasabing oras ay hindi na ito tatanggapin pa at makakakuha ng zero sa proyekto. Kaya kailangan ko nang maghanda para hindi ako ma late at baka bumagsak ako dahil zero base na ngayon. Kinabukasan ay maaga akong nagising at maaga ring naka pila sa LRT. Pagbaba ko ng LRT ay kailangan ko pang sumakay ng FX upang makarating sa FEU. FEU nga pala ang eskwelahan ng mga ChamFEUn. At kung minamalas nga naman ay naabutan ko pa ang traffic. Matagal na biyahe nanaman ito at sana maka abot pa ako sa alas siyeteng pasahan kaya dasal lang talaga. Nag chat ako sa kaibigan ko para magtanong kung andyan na ba ang prof namin ngunit bastos talaga ito at na seen lang ako. Bigla kong naramdaman ang gutom dahil hindi pa ako nag almusal at naisipan kong dumaan pa sa hepa lane ngunit mahuhuli na pala ako dahil baka hindi ako maka abot sa alas siyeteng pasahan. Bigla kong naalala ang aking ID at parang hindi ko ito nailagay sa aking bag noong gabing nag ayos ako ng gamit. Hinanap ko ng hinanap at wala talaga. No ID no entry pa naman . Naisipan kong tumakas nalang papasok dahil hindi naman ako makikita sa CCTv ngunit biglang dumungaw sa aking paningin ang mahigpit na guard. Sumabay nalang ako sa maraming studyanteng pumapasok at hindi ako nahalatang walang ID. Malapit na mag alas siyete at mukang hindi pa ako aabot dahil dito sa haba ng pila sa elevator na nagsasalita. Naghagdan nalang ako at pagdating sa taas ay hingal na hingal. Sa wakas nakapag pasa rin. Napaka sarap sa pakiramdam na wala nang problema at malapit na magtapos ang klase.

Pau Piedra

25/05/2016

Surpresa Para Sakanya

Ang pinaka hinihintay ng lahat, ang huling laro ng FEU vs UST UAAP Basketball Finals ng 2015. Pero bago ang araw na ito, pumila ako kahapon para bumili ng dalawang ticket para makanood. Napaka haba ng pila parang traffic sa EDSA. Bumili ako para surpresahin ang aking girlfriend na si Phia dahil gusto niya daw manood kaso wala daw siyang ticket. Ngunit nung gabing yun, nagaway kami dahil sa hindi ko pag uwi ng maaga. Inabot ako ng gabi dahil sa pagbili ko ng ticket pero hindi ko sinabi sa kanya, ang dinahilan ko ay nagdota ako kasama ang tropa.

Kinaumagahan, chinat ko si Phia ng “Goodmorning Baby. Eat your breakfast before going to school okay? Iloveyousomuch.” pero na-seen lang ako. Naligo, kumaen at nagayos na ako para pumasok ng maaga pero natagalan ako dahil hinanap ko pa ang PE uniform ko. Pagkatapos kong magayos, ako ay lumabas na upang mag abang ng FX papuntang morayta. 7:05 na ako nakarating ng FEU-IT. Pagpasok ko, saktong naka duty ang mga mahigpit na guard at kinalkal lahat ng laman ng aking bag na kulang na lang pati buhay ko kalkalin nila. Sa kasamaang palad, tinanong ng guard kung saan ang ID ko. Sa sobrang kamamadali ko, hindi ko namalayan na naiwan ko sa bahay ang aking ID at sinabi nalang na naiwan ko sa bahay at ang sabi naman ng guard “No ID, No Entry dito” at humingi nalang ako ng gatepass sa DU(Discipline Unit) at sumakay sa “elevator na nagsasalita”. Kitang kita sa cctv na nagmamadali ako dahil pawis na pawis na ako umaga pa lang.

Bago matapos ang klase, nag quiz muna kami sa aming CESurveying. Napatunganga ako at nasabing “Dasal lang talaga ang tanging magagawa sa subject na ito dahil napaka hirap na nga, 70% pa ang pasang awa at zero base pa.” Pagkatapos noon ay kumaen muna ako sa Hepa Lane para magmeryenda bago ko kitain si Phia dahil sabi niya doon nalang raw kami sa MOA kumain ng tanghalian. Sinundo ko siya sa FEU main at sumakay kami ng naturingang lata ng sardinas o LRT.

4:00 ng hapon nang nagumpisa na ang laro. Hiyawan, sigawan, at palakasan ng cheer ang labanan ng tulad naming manunuod kahit hindi pa naguumpisa ang laban. Napakatindi at nakakakaba ang laro, yung akala mo ikaw mismo ang naglalaro sa court. Bawat tirang pumapasok, naghihiyawan ang magkabilang side. Mapapaos ka nalang dahil mapapasabay ka sa pagcheer ng mga Boosters ng FEU. Pagkatapos ng lahat, nanalo kami(FEU) sa score na 67-62. Pagkatapos ng laro, syempre hindi mawawala ang pagpost sa Fb, Twitter at Instagram ng picture na may kasamang caption ng “ChamFEUns whoooo!” at may kasamang hindi mabilang na hashtag tulad ng “ `sGoTamaraws ”. Kumaen kami ng hapunan at hinatid ko na siya pauwi. Ang susunod na kwento ay mga nangyari sa Victory Party.

Melgin J. Ibanez Jr.
BSCE – V01

23/05/2016

KWENTONG KACHUCHAYAN

May mag-babarkada na tumatambay sa tindahan ni Ateng Isplitik. Hindi nila alam na may nag-manman sa kanilang kilos. Pagkasapit ng hapon dumating ang lider ng mag-babarkada suot ang kanyang P.E. uniform na masigla at sinisigaw na ChamFEUns. Siya ay si Kachuchay. Si Kachuchay ay babae at siga sa kanilang grupo at higit sa lahat may pusong babae siya at siya rin nag-aaral sa FEU. Kinuwento niya sa kanyang barkada ang nangyari kung paano nanalo ang kanyang eskwelehan may kasamang pang aksyon kung paano pinasok ni Tolomia ang bola ring. Dahil dakilang mabait at walang interesado ang kanyang barkada iniwan siyang nakatayo sa harap ng tindahan ni Ateng Isplitik. Naabutan si Kachuchay ni Ateng Isplitik.
“Kachuchay! Di ba kaibigan mo yung mga yun?” sabi ni Ateng Isplitik
“Opo, Ateng” sabi ni Kachuchay
“Kung ganoon bayaran mo yung mga binili nila. Jusko! Mag-umaga silang tumambay sa harap ng tindahan ko ngunit sila ay wala pa nababayaran.”
“AY ANAK NG TETENG NAMAN YUN OH! Nang-iwan na nga sila sa ere tapos ako pa mag-babayad dito.
Magkano po lahat?”
“Sumatotal na nobenta’y dos, Kachuchay”
Inabot na ni Kachuchay ang bayad kay Ateng Isplitik yung pera at may napapansin siya may nag-manman sa kaniya ngunit pagkalingon niya wala siya nakita. Binalewala niya ito at umalis na sa tindahan. Pumunta siya sa kalsada at Pumara ng FX para makauwi na siya. Pag-punta niya sa kwarto niya ay nandoon ang kanyang kaibigan at feel at home ang kanyang kwarto. Pinapalayas niya ito sa kwarto niya dahil sa hindi nila pag-bayad kay Ateng Isplitik at siya yung pinag-bayaran. Pag-sapit ng hatinggabi, may naisip siya plano, niyaya niya ang mga barkada niya ngunit seen lamang siya nito.
Kinabukasan, nagkita sila ng isa niyang barkada sa Hepalane at naabutan niya ito kumakain. Habang nag-hihintay sila sa iba pa nila kasama may napapasin niya may nag-manman sa kanila.
“Lito, may napansin ka bang may nag-manman sa atin?” nag-tanong ng pabulong si Kachuchay
Pinakiramdamn ang paligid at lumingon sinabing “Wala” at tinuloy ang pagkain.
Habang nag-hinintay sa iba pa nila kasama. Nabulalas ni Lito kay Kachuchay na may halong sakit nararamdaman na 70% na ang passing rate at zero base na sa kanyang paaralan ngayon. Sinabi ni Kachuchay kay Lito na Dasal lang talaga at napa-facepalm na lang si Kachuchay sa akto ni Lito. Pag-kalipas ng isang oras dumating ang mga barkada niya. Tinanong ni Lito kung bakit sila late.
“Ang haba kasi ng pila sa LRT at hirap makasakay ng jeep ngayon kasi punuan”
“Late kasi ako nagising tapos akala ko may pasok ako ngayon dinala ko pa man din I.D ko kasi No I.D, No Entry sa pinag-tatrabaho ko”
“Mahihigpit ang guard naming ngayon at nakakapagtaka nga eh”
“Sinundo ko kasi yung pinsan ko galing sa probinsya namin. Mangha-mangha siya at lalong na nung pumasok kami sa elevator. Perstaym niya lang makasakay sa elevator at totoo daw pala na elevator na nagsasalita”
“Ilan taon na ba pinsan mo?”
“Walo o Pitong taon? Di ko naitanong yan e”
Habang nag-kwentuhan sila bumulong si Parl kay Kachuchay na may nag-manman sa kanila habang nanunuood sa katabing repleyson ng salamin sa katabing CCTV, tumango lamang si Kachuchay sinabing nakaraan linggo niya pa itong napapansin na may nagmanman sila pero binabalewala lang niya ito. Tumuloy na sila sa lakad nila pumunta sila sa Bonifacio Global City. At hanggang doon ay may-nagmanman sa kanila. Nag-paalam si Kachuchay at Renlee sa barkada nila na maghahanap lang sila ng restroom. Habang papunta sa restroom
“Alam mo ba Kachuchay may nararamdaman ako may nagmamasid sa atin e”
“Pakiramdam ko din, nakaraan linggo pa may nagmanman sa atin”
“OMG! Akala ko ako lang nakakaramdam nun. Ang creepy naman nun Kachuchay”
“Takbo tayo ng mabilis Renlee ah sa madaming tao makikipagsiksikan tayo”
“Huh? No way! Ang sikip sikip kaya Kachuchay”
“Bilisan mo tumakbo”
Tumatakbo sina Kachuchay at Renlee sa madaming tao at di napansin na nagmanman. Bumalik ang nagmanman sa mag-babarkada na natira. Piniktyuran niya ito at hinahawak-hawakan ang piktyur. Humihiling sya na sana maidate sya ni Lito o ni Voyd. Dahil ang araw na iyon ay kaarawan niya. Sa di kalayuan nakita ni Renlee ang nagmanman sa kanila na feeling niya yung baklang yun. Kinalabit ni Renlee si Kachuchay habang inaayos nya ang damit nya palabas ng restroom. Tinuro ni Renlee ang bakla na nakatitig ito sa barkada nilang lalaki. Lumaki ang mata ni Kachuchay at tumango si Renlee sinabing siya yung nagmanman sa atin kaninang umaga at hanggang ngayon. Pumunta sila sa likod nya ng baklang nagmanman sina Renlee at Kachuchay. Sabay nila kinalabit at napanganga at sumigaw ang baklang nagmanman. Tinakpan ni Kachuchay ang bibig ng baklang nagmanman sa kanila. Kinausap ito at kung ano ang pakay niya sa barkada niya. Pagkatapos nun may masamang binabalak si Kachuchay bilang ganti sa mga barkada niya namapapabuti sa bago nilang kabigan na si Finny. Niyaya niya si Finny na mag-ktv bar sila at treat niya ito at doon na sila mag-kita sa ktv bar. Binalikan nila ang kanilang barkada at sinabing mag-ktv bar na lang sila. Pumayag naman sila at pumunta na sila ktv bar. Dumating ang takdang oras na hinihintay ni Kachuchay at di siya nagpakalasing dahil may binabalak siyang mabuti sa kanyang apat na lalaki na barkada. Lasing na lasing ang mga ito at sinabi niya kay Finny na bahala na siya sa barkada niyang lalaki. Tuwang-tuwa si Finny at nag-pasalamat kay Kachuchay at Renlee sa regalo niya. Piniktyuran niyang mga barkada niya sa loob ng sasakyan ni Finny. Nag-tweet si Kachuchay “ ” at vinideohan naman ni Renlee gamit ang snapchat. Umalis na ang kotse ni Finny sakay ang barkada. Nag high five sila at tumatawa na sina Kachuchay at Renlee sa magiging itsura ng mga barkada nilang lalaki. Nakauwing nakangiti sina Kachuchay at Renlee. Memories for keeps ika nga. Nag-tweet pa si Renlee “Tomorrow is Another day! 😂 ”.

GEMENTIZA, KEZIAH HANNA S.
V01

18/05/2016

Sa Lugar ng mga ChamFEUns

Nais kong ibahagi ang aking karanasan sa aming paaralan. Sa lugar ng mga chamFEUns! Araw araw na mala sardinas sa LRT. Hininga ng katabi mo'y hininga mo na din. Pawis na tumatagaktak dahil sa init at kulob sa dami ng tao. Papasok ka pa lamang sa eskwelahan ay parang pauwi na ang iyong itsurahan. Maituturing na isang ganap na mandirigma pagkababa sa station na iyong pupuntahan. Hindi pa doon matatapos ang kalbaryo dahil maglalakad ka pa ng medyo malayo papunta sa mismong paaralan. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang aking kaibigan na si Khiron. "Ui Mal!" Sigaw niya upang makuha an atensyon ko. "Tara kain tayo sa hepa lane." Dagdag niya. "Sige tamang tama ako'y nagugutom na." Sagot ko. Pag napadaan ka nga naman sa hepa lane ay mararamdaman mong magkakahepa ka talaga. Iba't ibang uri ng pagkain na mukhang di mo makakain dahil na din sa di gaanong kaaya ayang itsura ng paligid ngunit ang mga pagkain sa hepa lane ay masarap parin. Maghanda ka nga lang dahil siguradong ma g-gg ang iyong tiyan. Pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami papasok sa paaralan. Sa teritoryo ng mga chamFEUns, ang FEUtech. Bubungad sayo rito ang mahihigpit na guard na ultimo pencil case, baunan at lahat ng makakalkal nila ay bubuksan at uusisain nila. "No ID, No Entry" ang higpit talaga. Yung tipong babalik ka pa sa bahay niyo kahit sa Cavite ka pa nakatira. G na g ung mga CCTV kahit di naman namin alam kung gumagana talaga lahat or pang display lamang. Zero base at 70% passing kaya naman gg talaga men. Kaya sabi nga ni Alma Moreno . Mayroon ding elevator na nagsasalita kung anong floor na. Magsasalita rin ito kapag magsasara at magbubukas siya astig diba? Pagkatapos ng aming klase ay nagpasya kami ni Khiron na mag FX pauwi dahil nga rush hour at talaga namang mamamatay kami si LRT. Pagkasakay namin ng FX ay may dalawang naka PE uniform ng feutech at para bang may ginagawang kababalaghan. May nakatakip na jansport bag sakanilang katawan at tila ba tumitirik ang mata ni ate. Nahulog ang panyo ni ate. "Ate nahulog po yung panyo mo" sabi ni Khiron. Upang mahinto na din ang kanilang ginagawa dahil kami ang nahihiya para sakanila. Pero sadyang nakafocus sila sa kanilang ginagawa para bang si Khiron ay na seen ng bongga. Nagtawanan nalang kami pagbaba ng FX. Diyan nagtatapos ang aming adventure ngayong araw.

Mallory Edades

18/05/2016

Dasal lang Talaga
//Pasintabi sa mga kumakain at gustong kumain ng masarap//

Pasado alasiyete na ng umaga ng biglang tumunog ang alarm clock ni Khiron para paalalahanan siya na late nanaman siya para sa umagang iyon nang pagpasok. Sa sobrang pagmamadali nagsuot na lamang siya ng kahit anong FEU Tech shirt na madadampot niya. Hindi na niya inisip kung anong araw ba ngayon. Sa kadahilanang naka-wash day shirt si Khiron, siya ay napagalitan ng mahigpit na guard. Dumagdag pa ito sa paghahabol niya ng oras sa kanilang unang asignatura. Ang araw na iyon pa ay finals nila sa Integral Calculus at siya ay siguradong mahuhuli na sa pagkuha ng test. Anong oras na kasi siya nakauwi kagabi at dahil dito nahuli na rin siya ng gising. Nang bumukas na ang elevator na nagsasalita, siya ay pumasok na. Napatingin siya sa CCTV dahil nakalimutan niyang tanggalin ang gunting niya sa bag, na kung saan ay isa sa mga regulasyon ng paaralan na bawal magdala nito. Matagal nang bumabagabag sa isip niya at ng kanyang mga kaklase kung ang CCTV ba sa paaralan ay tooong gumagana. Sapagkat wala pa naming insidente sa paaralan ang nangyayare na mayroong pruweba gamit ang CCTV.
*six floor opening* Panahon na nga para bumaba na si Khiron sa dahil siya ay nasa palapag na ng kanilang room. Dala ng pagmamadali siya ay tumakbo na ngunit nagkataon pa na nakahiga pala sa koridor si Iestein at siya ay natalisod dito at halos tumilapon palayo. Hindi na pinansin ni Khiron si Eric at nagmadali na lamang pumasok sa kanyang silid-aralan. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan nagtinginan sa kanya ang kanyang mga kaklase dahil halos lahat sila ay tapos na at balak na nila itong checkan. Hinarang siya ng kanyang propesor at sinabing tapos na ang exam at wala nang pwede bang kumuha nito. Sumabay pa ang guard na nahuli siya dahil No ID No Entry nga sa school nila. Wala na siyang ibang magagawa kaya siya ay umalis na lamang at nakakuha ng zero sa Final Exam.
Dahil wala na siyang ibang magawa at nag-ayos muna siya sa C.R. nang biglang pinaalis din siya bigla ng Jammas Baby dahil No ID No Ihi Nor Tae Here kaya wala na siyang ibang magawa kundi umalis na lamang sa FEU TECH at magpakasaya muna sa labas.
Kumain muna siya sa Hepa Lane at halos maubos niya ang benta ni Ateng Nakasimanggot na si Felnida. Si Felnida ay matagal na pala niyang kakilala dahil nabuntis niya ito noong elementary pa lamang sila. Kaso ang kanyang isinilang na sanggol ay abnormal kaya agaran din itong binawian ng buhay. Wala kasi itong mata, ilong, bibig at tenga kaya di na rin tumagal.
Palaki na nga ng palaki ang tiyan ni Khiron at halos pumutok na ang pusod nito sa sobrang dami ng kinain. Dala kasi ng sobrang gutom niya ay kain na lamang siya ng kain. Di na rin niya napansin na inaamag na pala ang kanyang kinakain at punong-puno na ng ipis, daga at tubig sa imbornal na ginawa niyang sabaw. Bigla na lamang siyang napasabi sa sarili niya ng dasal lang talaga ang magagawa niya dahil baka bukas ay inaanod na din siya sa imbornal.
Pagewang-gewang na nga siya maglakad dahil parang nahihilo na siya sa dami ng kanyang kinain at di rin niya alam kung tatanggapin ba ng tyan niya ang iba’t ibang inaamag na putahe na kinain niya. Nagkataon pa na laban ng basketball noon UST vs. FEU na. Championship game na kaya pinasya niya na manood. Sumakay siya ng LRT papunta sa Araneta Center ngunit naalog ata ang kanyang kinain kaya halos matae-tae na siya sa kanyang biyahe. Hindi na nga siya nakatangal at sumabog na ang lagim sa loob ng LRT at kahit pa punong-puno ng tao noon ay lahat sila ay nagsipaglayuan at halos masuka-suka sa baho. Pagkabukas ng istasyon agad siya tumakbo paalis at hiyang hiya siya sa nangyari sa kanya.
Bumili na lamang siya ng bagong pantalon para di mapaghalataan ang pugsit sa kanyang pantalon at nagpatuloy na nga sa pagpunta sa Araneta Coliseum. Sumakay siya ng FX ngunit nagtaka siya kung bakit pinagtitinginan pa rin siya ng mga pasahero. Yun pala ay may dumi pa rin ang ilalim ng t-shirt niya at ito ay nangangamoy. Pinantakip niya ang Jansport niyang bag para hindi na nila ito tuluyang mapansin at kahit papapano ay maibsan ang baho na nangangamoy sa loob ng FX. Nakarating na nga siya sa Araneta Coliseum at hanggang sa matapos ang laban nagsisigaw siya nang Manalo ang FEU. “Panalo ang FEU, Kakain kami! ”, sabay post sa Twitter niya.
Sa sobrang saya niya , nag-pm siya sa lahat ng mga friends niya sa Facebook at pinagkalat na panalo ang FEU. Ipinagmalaki niya ito at kung anu-ano pa ang mga sinasabi. Ngunit siya ay Seen lamang sa mga ito at kahit isa ay walang nagreply.
Isang linggo na lamang ay encoding na ng grades at siya ay sobrang kinakabahan sa Integral Calculus niya.
Kinabukasan viewing na ng grades at tuwang tuwag siya na naka-4.0 siya sa Integral Calculus kahit pa zero base sila. Sobrang pagkamangha at pagkagulat ang nadama niya dahil nakakapagpabagabag at hindi niya mapagtanto kung paano naging ganun ang grades niya. Ito ay minanipula ng sobra ng kanilang Propesor. Gusto niyang magpasalamat sa Propesor nila ngunit nakalimutan niyang magdala ng P.E. uniform kaya bumalik ulit siya sa dorm niya at nahuli nanaman siya sa klase. Pagkadating niya sa kanyang Propesor, sinabi sa kanya na gusto rin pala siyang maka-usap nito. Dahil na-encode daw niya ang maling grade at siya pala ay bagsak na bagsak at kailangang mag-retake. Nahilo na lamang siya at napasandal sa pader dahil ang inaakala niya na biyaya, ay pagkakamali lang pala. Dahil sa grade na ito parang tinagggalan siya ng pangarap na maging Civil Engineer. Tanggal na nga ang scholarship niya, ay malamang bubungangaan nanaman siya ng kanyang ina kaya napabugtong hininga na lamang siya at sinabi sa sarili na ‘Dasal Nalang Talaga’ Hindi naman ako nagmamadali eh.

-Joan C. Pinpin

18/05/2016

“Kolehiyala”

Ako si Tin. Isang mag-aaral sa Far Eastern University Institute of Technology o mas kilala sa pangalang “FEU TECH” at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga first choice ang aking kursong kinukuha sapagkat ang gusto ko talaga ay pumasok sa kursong BS Biology.Sa probinsya ko lang naman talaga binalak mag-aral kaso lang sa kasamaang palad ay naubusan na ko ng slot sa kursong napagdesisyunan kong kunin. Mabuti na lamang at nabigyan ako ng pagkakataon upang magtake ng entrance exam sa FEU Tech. Hindi naman ako nabigo dahil nakapasa ako.
Hindi madali para sa akin ang mag-aral sa Maynila dahil kailangan mo ng matinding pag-aadjust sa lahat ng bagay lalong lalo na sa paligid mo. Nung una ay hindi ko alam ang aking gagawin sapagkat wala naman akong kaklase noong high school na mag-aaral din sa FEU Tech. Buti na lamang at mabait si Lord dahil nakakilala ako ng kahit hindi ko malaman kung tao ba o ano. Siya si Joyce na akala noong una ay hindi ko naman gaanong makakasundo dahil sa mabagsik niyang awra. Nakilala ko nga pala siya sa facebook dahil aksidente ko siyang naadd sa isang groupchat naming magkakaklase noong 1st term. Hindi ko ba alam kung bakit nakasundo ko sa isang iglap yung babaeng ‘yon. Siguro kasi kami talaga yung itinadhanang maging magkasundo ngayong nasa kolehiyo na kami.
Parehas kami ni Joyce na scholar ng FEU Tech. Hindi madali iyon para samin at lalo na sa akin dahil kailangan kong imanage ang oras ko. Sa scholarship ko kasi required ang magduty sa assigned office mo. Nakakapressure ng sobra dahil minsan hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko dahil sa sabay sabay na gawain. Dagdag mo pa yung grading system naming 70% passing tapos zero base. Minsan mapapaisip ka nalang na magtransfer sa ibang school. Pero siyempre hanggat kaya mo naman, laban ka lang. Walang sukuan bhe kahit madalas kumakapit nalang talaga sa laylayan yung grades mo. Yung tipong kahit 1.0 lang grade mo pero feeling mo naka 4.0 ka na which is the highest possible grade.
Sabi nila hindi daw madali ang maging irreg, pero marami kang mapupulot na aral. Sa pagiging irreg daw matututo kang maging mag-isa sa halos lahat ng bagay. Yung tipong kakain at uuwi ka daw ng walang kasabay, yung hindi mo magiging kablock yung mga kaibigan mo kasi hindi naman kayo parehas ng kinukuhang subject, at higit sa lahat yung matututo kang iangat yung sarili mo dahil sarili mo lang talaga ang makakatulong sayo. Pero sa totoo lang, bilib ako sa mga estudyanteng ganyan kasi they stand up on their own. Minsan nang nadapa pero bumangon ulit at sa pagkakataong iyon, naging better dahil natuto sa pagkakamali. Pero tama na muna yang mga na bagay. Ikekwento ko naman ang mga nakakalokang bagay na nagpapangiti sakin pag nasa FEU ako.
Sa FEU Tech matatagpuan ang mga chamFEUns lalo na sa tagisan ng galing pagdating sa mathematics. Dito ka din makakarinig ng elevator na nagsasalita at sa kapaguran siguro ay minamalat na at madalas sira. Masasabi mo ding safe ka dahil sa sandamakmak na CCTV camera na nakapaligid sa’yo. May “No ID No Entry” din na policy dito kasi bhe hindi ka talaga makakapasok hanggat hindi ka nakakatap ng ID sa mala-LRT na entrance. May mga mahihigpit na guard din dito na kulang na lang ay hubaran ka para masiguradong wala kang dalang materyales na ipinagbabawal ng school at kundi ay maseseen lang ang explanation mo at diretso DU ka bhe, kuha pa ID mo. Dito sa FEU Tech mapapasabi ka nalang ng “Dasal lang talaga” sa pag-asang maipapasa mo ang malulupit na paquiz ng mga professor. Gayun pa man, hindi ko naman pinagsisihan ang mag-aral dito sa FEU dahil sa mga bagay na ‘yan. Kailan lamang ay nakita ko ang post sa FB tungkol sa mga board exam passers ng Civil Engineering. Nakakaproud dahil apat sa sampung topnatchers ay galing sa FEU Tech. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil talaga namang magagaling ang mga professor dito gayundin ang pagsisikap ng mga estudyante upang mabigyang karangalan ang eskwelahang ito.
Pangarap ko din na magkaroon ng “Engr.” ang pangalan ko at alam ko balang araw ay matutupad din iyon siyempre in God’s will. At heto na pababa na ako ng FX suot ang kulay ginto at berdeng PE Uniform kasama si Joyce. Dadaan muna sa tinatawag ng mga Tamaraws/Itamaraws na “HEPA LANE” upang kumain ng murang pagkain na saktong sakto lang sa badyet. Habang kumakain kami, sumagi na lamang sa isipan ko na hindi ko pa nga pala tapos yung kwentong ginagawa ko sa Filipino 2 na kailangan ng ipasa kaya eto ang kwento ko ay wakas na.


Orgil, Angel Justine T.
FILI2-V01

Address

Malabon, Manila
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alagad Ni-Kanor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share