08/02/2026
🫰Separate ways | CHAPTER 4
Group meeting.
Late si Rune.
Late na naman.
“Uy,” sabi ni Lia, “present na si Ark. Ikaw na lang hinihintay.”
“Wow,” sagot ni Rune, hingalin.
“Maaga na siya ngayon ah."
Tumawa ang grupo.
Si Ark, hindi.
“Relax ka lang,” dagdag ni Rune.
“Hindi ka naman robot. Pwede ka rin namang tumawa minsan.”
Tahimik.
“Rune,” mahinang sabi ni Ark, “pwede bang seryoso muna tayo?”
“Ay sorry,” tawa ni Rune.
“Bawal pala mag joke dito.”
Boom.
Tahimik ang mesa.
“Hindi lahat kailangan gawing biro,” sabi ni Ark.
“Hindi lahat kailangang gawing big deal,” balik ni Rune.
“May mga bagay na hindi ka naiintindihan.”
“Eh hindi mo naman pinapaintindi!”
Napatingin ang lahat.
“Uy, guys—” singit ni Migs.
“Okay lang kami,” sabay nilang sagot.
Pero hindi.
“Alam mo,” sabi ni Rune, pilit nakangiti,
“kung ayaw mo sa maingay, sana sinabi mo na lang.”
“Hindi ko sinabing ayaw kita,” sagot ni Ark.
“Pero hindi rin kita hinihila palapit.”
Napatawa si Rune.
“Grabe,” sabi niya.
“Ang lalim mo pala magsalita kapag galit.”
“Hindi ako galit,” sagot ni Ark.
“Pagod lang.”
“Pagod ka sa akin?” wika ni Rune.
Hindi sumagot si Ark.
“Kung may plano ka nang umalis,” biglang sabi ni Rune, “sabihin mo na lang. Huwag mo akong gawing filler sa oras mo.”
Tumahimik ang lahat.
Si Ark, napatingin sa kanya.
“Sino bang nagsabing may utang ako sa’yo?” malamig niyang sagot.
Parang may sumabog.
“Ah ganun?” tawa ni Rune, nanginginig.
“Wala pala. Okay.”
Tumayo siya.
“Salamat ha,” dagdag niya,
“sa pagpapaalala na hindi lahat ng magkatabi… pareho ang direksyon.”
Tahimik ang buong room.
Umalis si Rune.
Hindi siya hinabol ni Ark.
Sa labas, sinabi ni Lia kay Ark:
“Alam mo bang nasaktan mo siya?”
Sumagot si Ark, mahina:
“Alam ko.”
“Then bakit mo ginawa?”
Saglit na katahimikan.
“Kasi mas masasaktan siya kung mag-stay pa ako.”
Minsan, ang away
ay hindi dahil sa galit kundi dahil
may isa nang nagdesisyong umalis,
kahit hindi pa umaamin ang isa.
📌 END OF CHAPTER 4