Filipinos Can Think

Filipinos Can Think Filipinos Can Think is a social media project that aims to answer the question: Can Filipinos Think?

14/03/2026
08/03/2026

πƒπˆπ’π‚π‘πˆπŒπˆππ€π“πˆπŽπ 𝐀𝐓 ππŽππˆπ…π€π‚πˆπŽ π‡πˆπ†π‡ 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 πˆπ’ 𝐑𝐄𝐀𝐋!

Kahapon, March 6, naranasan rin namin 'yung discrimination sa Bonifacio High Street. Plano naming gumawa ng reels para sa aming office. Kasama ko ang mga kapwa ko government employees. Dahil uso na rin ang reels ngayon at para may magamit kaming kakaibang format para sa aming webinar, sinubukan naming magpunta sa Bonifacio High Street para mag-interview ng mga babae para sa National Women's Month.

Sa unang attempt, sinubukan ng kasama kong magtanong sa mga babaeng nakaupo lang if willing silang ma-feature sa aming reels and webinar. From afar, nakita ko ang isang guard na ininterrupt ang usapan ng kasama ko at ng isang babae. Sa kalagitnaan ng usapan nila, pumayag na ang babae na magpainterview pero dahil nagsabi ang guard na bawal raw, umalis na lang kami sa pwestong yun.

Yun pala, niradio na kami sa iba pang guard. Pagkalipat namin sa kabilang part ng Bonifacio High Street, sinubukan naming magvideo na lang on our own kasi bawal raw ang nag-iinvite for interview. Nararamdaman naming may guard na nagmamasid sa amin at ang sabi ko sa team ko, ituloy lang natin, wala naman tayong ginagawang mali. Hanggang sa tuluyan nang lumapit ang guard. Bawal raw ang ginagawa namin. Like alin roon ang bawal? Kailangan raw ng permit pag may props na. E ang props namin ay mic at cellphone lang. May script na hawak ang kasama ko for the reels. Bawal raw 'yun. Sa isip isip namin, ano ang pinagkaiba kung walang script, walang mic, at nagvivideo lang sa phone? Di namin magets. Ang advice ng guard, kumuha na lang raw kami ng permit. Sabi ko, may mga kumukuha ng litrato gamit ang DLSR camera pero di nila sinisita. Lumalaban talaga ako.

Tapos may nakausap kaming isang nagvivideo rin, vlogger yata. Sabi niya, sa kabilang side, di raw mahigpit. Lumipat kami roon at doon kami nakapag-interview at video ng mga willing.

Dahil di ako mapakali, kumausap ako ng guard sa side na 'yun kung saan maluwag ang pagvivideo. Sabi ko, bakit sa kabilang side, mahigpit. Bakit bawal mag-interview roon. Iba raw kasi ang commander nila. Sa kanila raw, ang utos ay bawal mangialam sa mga gustong mag-interview at willing magpainterview. Sabi ko, dapat naman. Kasi bakit nangingialam sa usapan ng iba ang mga guard sa kabilang part ng High Street. Sino sila para mangialam?

Gets namin na bawal 'yung kumuha ng video na may mukha ng ibang tao kaya ang sabi ko sa mga kasama ko, wag kukuha ng ibang mukha sa video. Pero di ko gets bakit nangingialam ang ibang guard sa willingness ng ibang tao. Partida, government na ang pakilala namin nito ha. Paano pa 'yung mga binansagan nilang geng geng. Tapos bago pa 'yun, may mga foreigner na on the spot, nag-iinterview, pati mga guard, iniinterview. Pag foreigner, pwede?

Calling the management of Bonifacio High Street. Sana, hindi po discriminatory sa mga kababayan natin ang mga guard. May mga guard po diyan na di rin sang-ayon sa ginagawa ng iba diyan.

Photo: sa lugar na ito mas malayang mag-interview ng mga tao. Dito ko nakausap 'yung guard na hindi rin sang-ayon sa ginagawa ng ibang guard sa kabilang side.

PS:

Hello!

1. Discrimination happens when a person or group is treated unfairly. In this case, kami lang ang sinusundan at nira-radio ng guards? Also, I even saw a random foreigner nga na nagvovlog bigla with other security guards. Happy pa nga β€˜yung ibang guards. (Kasi nga iba iba sila ng protocol so baka sa kanila okay lang so the issue is the implementation.)

2. How do we distinguish personal and commercial use? What if initially, I will use my video for commercial and then I suddenly changed my mind to just use it for personal, do I still need a permit?

3. Binanggit ko rin yung sector where I belong just to emphasize na kung nangyayari ito sa mga employed people, how much more sa ordinary people. Gets niyo? Di ko na nga lang binanggit pero parang nagdududa pa sila sa amin.

4. You can see in this post’s photo how I value data privacy. No faces of people. No names dropped. Sana enough na β€˜yun para maintindihan niyong alam ko at nirerespeto ko ang data privacy concerns ng mga tao.

5. Ayaw kong mangyari lang β€˜yung feeling ng iba, unsafe sila kahit wala naman silang ginagawang mali to the point na sinusundan na sila ng security personnel pero β€˜yung iba, hindi. Gets niyo? That in itself is discriminatory.

6. Pero ang question nga rito ay bakit puwede palang magvlog sa ilang portion ng Bonifacio High Street gaya ng sabi ng isang guard kaya niya kami pinayagan? Ang point here is may mga mababait na guard na pumapayag dahil ipinaliwanag namin ang intention namin at may mga guard na hindi nirerespeto ang paliwanag namin. Niraradio at sinusundan pa kami.

Kaya kudos sa guard na naniwala sa amin. Pagpapatunay lang ito na hindi nga pare-parehas ang implementasyon nila. Kaya may discrimination. πŸ™‚

Pero hindi ibig sabihin na pinayagan kami ay sapat na β€˜yun. Nagsasalita lang ako para sa mga kababayan nating hindi lumalaban, minamata na lang ng nasa katungkulan, at hinahayaan na lang na pagmatyagan sila ng mga awtoridad. πŸ™‚

What a sad reality.
28/02/2026

What a sad reality.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipinos Can Think posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share