06/04/2026
How I saved my marriage as a Virtual Assistant…
Dati, hindi madali ang setup namin.
Yung husband ko, nagwo-work sa province.
LDR kami kahit kasal na at my Autistic toddler (special child) pa kami.
11mos and half bago siya makauwi sa akin/ once a year
hindi dahil ayaw niya
kundi dahil mahal ang pamasahe at hindi ito sagot ng company nila
Pamasahe pa lang, ang bigat na.
Paano pa yung pagkain, gastos, at lahat?
Husband ko palang nagta trabaho noon
Minsan naiiyak na lang ako…
kasi gusto ko lang naman na kumpleto kami.
Naiiyak ako kasi di sapat kinikita niya, nakakakain kami pero di yung comfortable life
Gusto ko lang na may kasama ako sa bahay,
lalo na sa pagpapalaki ng mga bata.
Pero reality check hindi ganun kadali.Kailangan my mag sacrifice para sa family.
Dumating yung time na parang nasasanay na lang kami
na magkahiwalay.
Hindi na masyadong nag-uusap,
hindi na ganun ka-close.
Parang unti-unting nagiging distant and cold
Dahil malayo ang asawa ko, nasa province… dumating sa point na natukso siya. 💔
Dahil sa distansya, hindi lang oras ang nawala, pati tiwala, wala na.
Hindi ko akalaing ang layo namin ang magiging dahilan ng pagsubok sa marriage namin
Hanggang sa nag-decide ako maghanap ng way.
Doon ko nadiscover ang pagiging Virtual Assistant. 💻
Hindi naging madali
puyat, aral, trial ,rejections, and error…
pero kumapit ako.
Sabi ko sa asawa ko 1 day di kana mag wo work sa province o kung saan man, mas pipiliin ko na mabuo kami
Unti-unti… nagbago lahat.
Nakatulong ako sa gastos.
Mas nakakaipon na kami.
May pambayad na sa house and lot
nabayaran ko ang tuition fee ng anak ko na graduating na sa college
Mas kaya na naming mag-budget para makauwi siya.
At ngayon…
Kasama ko na siya, pinatawad ko pero di ganun kadali. Betrayal hurts so much🥹
Mas may time na kami bilang pamilya.
Mas nararamdaman namin ulit yung pagiging “buo.”
Hindi lang pala trabaho ang nabago
pati marriage life namin.