15/03/2026
πI want to share my experience kung paano ako nakapag-register sa BIR.
β¨Step by step tutorial ππͺ
1οΈβ£ Nag-register muna ako sa DTI
2οΈβ£ Nag-register din ako sa BMBE.
3οΈβ£ Nagpunta ako sa BIR (RDO ko mismo).
π Mga hiningi sa akin:
βοΈ DTI
βοΈ Valid ID
βοΈ BMBE
βοΈ BIR Form 1901 (2copies)
Pagka verified ng mga requirements, tsaka ka pag babayarin at babalik kinabukasan para makuha ang COR.
Nagbayad din ako ng β±30 document stamp.
Pinapirma lang nila, tapos ok na agad
Kinabukasan Pag bigay na yung Certificate of Registration, ibibigay din yung Authority to Print.
π Pa-xerox nyo lang, wag ibigay ang original.
4οΈβ£ Nagpunta ako sa BIR-accredited printer (meron din naman isasuggest sayo ang taga BIR kung san ang partner nila)
βοΈ Binigay ko photocopy ng ATP
βοΈ Nagbayad ako ng β±1500
βοΈ Nag-antay ng 7 days
βοΈ Nakakuha ako ng 10 books ng Sales Invoice π
5οΈβ£ Bumili ako ng Books of Accounts
π 2 pcs na 12 columns
βοΈ Isa para sa Cash Receipts Journal
βοΈ Isa para sa Cash Disbursements Journal
π 2pcs 4 column
βοΈ Isa para sa general journal
βοΈ Isa para sa general ledger
6οΈβ£ Pag-uwi, gumawa ako ng account sa ORUS (orus.gov.ph)
Sinunod ko lang yung instructions na binigay ng teller sa BIR.
π Ipo-post ko na lang sa comments yung guide, check nyo na lang π
π Hindi na ako nagpa-stamp sa BIR.
Sa ORUS (BIR website) ulit,Nag-register ako ng 4 books .. Cash receipt journal, cash disbursement journal, general ledger and general journal sa online sa ORUS (BIR website). After na register ung 4 books
May sinend silang PDF sa email ko, pinrint ko yun at dinikit sa first page ng mga books ko. β
β οΈ Important:
Yung email na ginamit nyo sa BIR, yun din ang gamitin nyo sa ORUS.
Doon kasi sila nagsesend ng verification, updates, at reminders.