Information Gallery

Information Gallery Know or No? : A Campaign on Proper Information Handling to Fight Widespread Dissemination of Fake News Among MassComm Students

22/07/2018

Come one, come all

Join us in celebrating PUP's College of Communications as it celebrates differences and individuality with the release of iCommunicate XIV: Cirque

Like and support the page and let's all embrace what makes us unique!

Come one, come all.

Our readers will be welcomed through a window into the College; they will see,

A Campaign on Proper Information Handling to Fight Widespread Dissemination of Fake News among MassComm Students
25/03/2018

A Campaign on Proper Information Handling to Fight Widespread Dissemination of Fake News among MassComm Students

19/03/2018

ATTENTION: Due to the suspension of classes today, our campaign date will also be moved. The new schedule is yet to be finalized, please visit the page for more updates or message us for further questions. Thank you!! :)

18/03/2018
18/03/2018

Information Gallery brings you its first exciting and remarkable communication campaign event that collectively promotes proper information handling.

Come and join us as we launch our first event management campaign "Know or No: A Campaign on Proper Information Handling to Fight Widespread Dissemination of Fake News." March 19, 2018 at the PUP College of Communication Lobby, 7:30AM onwards.

The voting for Popularity Award is now closed. Only likes and reactions (except angry) before 12AM will be counted. Winn...
16/03/2018

The voting for Popularity Award is now closed. Only likes and reactions (except angry) before 12AM will be counted. Winners will be announced on March 18, 2018 via Facebook post.

Keep checking this page for updates. Goodluck!

Stop spreading fake news. Know the proper information handling.

13/03/2018

All official entries for the poetry writing contest are now posted. The Grand winner will win a cash prize of Php500.00 from Biggy Buggy (https://web.facebook.com/biggybuggyofficial/). Notebook and G-Tech Pen are the prizes to be given for the winner of the Popularity Award (poem with the most number of likes). Please check the instructions below:

1. Like the official page of Information Gallery. (https://web.facebook.com/InformationGalleryPUP/)
2. Tag your friends or share your posted entry to gain more likes until Friday, March 16, 11:59PM. Likes on entries after the said date and time will not be counted.
3. Entries posted with the most number of likes will win the poem popularity award.

Tag your friends and share your entry now!

13/03/2018

ENTRY #4

When Fake is their Faith
by Crysalie Montalbo

i was shared like i mean no harm
most people gave me an open arm
feels like the verity didn't afflict
posted, noted, liked in one click

little did they know that i have the ability
to kill the literacy, to hate the reality
journalists for sure do have the integrity
but their credibility would be nothing with my possibility

ages and ages
i grow up
i can change their minds
i can distort information

time will come
shouldn't i be stopped?
or is this the start?
of fake news, being the state of the art

13/03/2018

ENTRY #3

Gusto kong lumipad
ni Mark John F. Dulay

Sabi, “may pakpak ang balita”
Ganon? Sana ako rin
Pero sa totoo lang
Hindi ko naman pangarap ang makalipad
Pero sa panahon ngayon
Ang hirap ng magtago
Hindi sa mga bumbay na pinagkakautangan mo
O sa mga kaaway mong nagaabang kung saan
Kundi sa mga maling balitang nagkalat
Na animo’y tigyawat na walang humpay sa pagsulpot
Mga kathang isip na nagbibihis katotohanan
Mga batong kinulayan ng ginto
Na handing paniwalaan at bilhin ng mga tao
Mga taong walang kamalay-malay na sila na pala’y ginagago
Kahit talaga problema ang mga peke
Kasi minsan mas kaakit-akit pa sila sa totoo

Sana nakakalipad na lang ako
Gusto ko pumunta kahit saang payapa
Ang dami ko na ngang pekeng kaibigan
Dadagdag pa yang mga pekeng balita na yan
Para sa ikakaayos ng lahat
Ako na lang ang magpaparaya
Ako na lang ang aalis
Ayoko na!
Ayoko na sa peke, nakakasawa na
Mas marami pa sila sa ‘hypebeast’
CCTV at sa mga sasakyan sa EDSA
Ang hirap ng magtago
Lagi nating hinahanap ang mga ‘alien’ sa ibang mundo
Eh nandito na pala sila
Sila yung mga taong kulang sa pansin
Mga taong habol ang atensyon
Mga taong mali kung gamitin ang talino
Mga taong gusting mabilog ang ating mga ulo
Balak nilang lasunin ang mundo
Mundong katotohanan ang dapat siyang namumuno

Masaya siguro kung nakakalipad
Pero ayos lang naman kung hindi
Gaya ng ayos lang ang p**o sadinuguan
Sorbetes sa tinapay
Sabay ang tuyo at champorado
Asul na ‘catsup’
‘Fries’ sa ‘sundae’
Kape sa kanin
Pero ang maling balita na pang-umagahan
Ayan ang hindi ko masisikmura
Yung tipong kay aga-aga
Pekeng balita yung nagbabaga
Sa totoo lang ayaw ko naman talagang umalis
Ang gusto ko lang ‘News Feed’ ko malinis
Pero alam kong imposible
Kaya naman mananawagan na ako
Una sa mga nagpapakalat ng maling balita
‘Wag niyong gawing basura ang mga buhay niyo
Masama ang magsinungaling
Binabaga sa nagbabagang uling
Pangalawa at huli ay sa mga taong kagaya ko
Na ayaw na muling mabiktima
Ng mga balita na sa atin ay makakatulong sana
Alamin ang pinanggalingan
‘Wag basta-basta magtiwala kaibigan
Parang awa niyo na!
Hindi ako marunong lumipad

13/03/2018

ENTRY #2

Juan, nabulag ka na rin ba?
ni: Ruben A. Simangan

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula
Kung paano ko pagtutugmain ang bawat salita at letra
Upang ako ay makalikha ng isang katha
Isang akdang magpapagising sa ating mga diwa.

Hindi man ito tulang tungkol sa pag-ibig
Na sa'yo ay magpapakilig
Na tila isang pantasya sa teleserye na may tunay na pag-ibig na batid
O kaya nama'y tulang may pait na hatid Mula sa taong may pusong sawi
Dahil itong aking likhang tula
Ay magsisilbing isang paalala
Sa mga nilalang na tila nabulag na rin ata.

Magsisimula ako sa umpisa
Sa kung paano napukaw ang aking mga mata
Sa isang linya na aking nabasa sa sosyal midya
Nakasaad dito na...
"Kalatas: Walang pasok sa Lungsod ng Maynila"
Ako'y agad na naniwala
Di ko agad inalam kung totoo nga ba
Naniwala agad sa maling akala Ngunit ako lang pala ay pinaasa
Pinaasa sa balitang isa lamang palang gawa-gawa.

Likas na sa ating mga Pilipino ang mga kwentong barbero at kutsero
Laganap din ang mga tsismis sa bawat kanto
Kaya naman maling balita ay lumalaganap na rin dito
Pero bakit natin hahayaang umusbong ang mga balitang ito
Hahayaan na lamang ba natin na mabulag ang bawat Pilipino,
Sa mga maling balita na nagdudulot ng masamang epekto.

Tila ang totoong karunungan at katotohanan
Ay nasapawan na ng mga kamalian
Tila ang huwad na pagmamarunong ay ang siya nang naghahari-harian
Ang katotohanan ba ay magkukubli na lamang sa kadiliman?
Hahayaan na lamang ba natin na masakop tayo ng mga pekeng balitang puro kagagawan lamang?

Mga Pilipino ay tila nabubulag na
Ang mga akala nating lehitimong balita
Hatid ay pekeng balita na pala
Tila ang isang balitang ginto
Ay nahaluan na ng tanso
Tila pinapatay na ang katotohanang balita sa ating bayan
At naiimpluwensyahan na lamang ng mga puro kasinungalingan
Hindi natin namamalayan
Na ang mga akala nating tunay ay peke na pala.

Masakit ang maloko
Kaya't bakit mo hahayaan ang sarili mong magpaloko at manloko
Kailan kaya magkakaroon ng pag-asa
Na mawala na ang mga balitang paasa
Tila nabaon na yata sa limot ang tunay na halaga ng balita
Ngunit, ikaw! Ikaw ang siyang magsasalba
Upang ipaalala ang tunay na halaga
Halagang katotohanan ng mga balita.

Juan, gumising ka
Tanggalin ang piring sa iyong mga mata
Huwag ng magbulag-bulagan pa
Disiplina sa sarili ang sagot sa ating mga problema
Pagkalat ng pekeng balita ay huwag ng palalain pa
Juan, ika'y maging simula ng aksyon upang ipalaganap ang lehitimong balita
At wakasin ang pag-usbong ng mga balitang gawa - gawa
Juan, maging mapanuri sa bawat balitang iyong mababasa.

Juan, huwag ng magbulag-bulagan pa!

13/03/2018

ENTRY #1

Isinulat ni Garyl Reyes

Kuro-kuro dito,
chismis na walang pahinga doon,
Mga salitang lumalaganap na mga maling impormasyon.
Tila sakit na ‘di masolusyunan,
Lason na kumakalat sa buong katawan
Isang epidemya na kumakalat sa buong bayan.

Kanino nga ba ang nagsimula?
Pilit pinapababa intelektwalidad ng madla.
Di maintindihan kung kulang lang ba sa pansin?
O sadyang parang salitang “Iloveyou” na sa panahon ngayon di na kapanipaniwala rin.

Walang tamang pinanggalingan ng impormasyon ay dapat suriin,
Wag kang magpabulag sa mga salita
kagaya ng Boyfriend mong Sinaktan ka na rin.
Sa mga paasa’t maling salita Ika’y nabilog nabighani.
Ngunit di napanindigan
Pati sariling kaligtasan nalagay sa panganib.

Siyang naging ugat ng hidwaan sa dalawa
Nagiging pundasyon ng malaking problema,
Sa pagtulaklas kung tama ba’y ang pagiging maduda ay pwede mong isama!
Hindi lang dapat sa relasyon niyong lumalabo dahil sa tamang hinala.

Kaya maging mapagmatiyag,
Maging mapanuri.
Imulat ang mata sa mga maling pangyayari
Huwag magtiklop dila’t kung may alam ay ipamahagi
Ang kaalaman mo’y makatutulong ng malaki sa nakararami.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Information Gallery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share