BOSS PITIK

BOSS PITIK β€‹πŸ“© For collaborations, please reach out to me directly at: [email protected]

17/08/2026
17/08/2026

Hindi na nagtangkang ilusong si Joseph Cabiles ang kanyang motor sa baha.

Aniya, maghihintay na lamang silang bumaba ang tubig baha sa Taft Avenue kesa masira ang makina ng kanyang motor.

Beyond grateful for 15,000+ followers! Salamat for being part of this journey and making this milestone possible. Let’s ...
16/08/2026

Beyond grateful for 15,000+ followers! Salamat for being part of this journey and making this milestone possible.

Let’s keep growing together! πŸš€

​

16/08/2026

SILA: Bakit ka ba umuwi ng province?

ME: ☺️

16/08/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Pinuntahan nina Public Works Secretary Vince Dizon at Calumpit Mayor Lem Faustino ang flood control structure sa Bagbag River sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, kung saan papataasin ang kapasidad ng ilog upang maibsan ang mala-dagat na pag-overflow ng ilog na pumeperwisyo sa mga residente tuwing malakas ang ulan o may bagyo.

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng istruktura na pipigil sa pag-overflow ng ilog, na poprotekta naman sa mga residente mula sa matinding baha.

"Ang pakiusap po natin sa mga kababayan natin, konting pang-unawa. Alam kong mahirap 'yong hinihingi namin sa inyo, pero buhay po ng mga pamilya ninyo ang nakasalalay d’yan. Sa tulong po ng lokal ng pamahalaan ng Calumpit, kayo po'y mababayaran ng tama at magkakaroon din po kayo ng pabahay," sinabi ni Secretary Dizon sa mga nakatira malapit sa ilog.

15/08/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Walang tigil ang clearing operation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Gov. Bado Dangwa National Road sa Bangho, Daclan, Tublay, Benguet, kasunod ng pagbigay ng curtain net sa naturang kalsada dulot ng soil collapse dahil sa sunud-sunod na malalakas na pag-ulan.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at mabilis na mabubuksan ang mga kalsadang naapektuhan ng masamang panahon nitong mga nakaraang araw.

Pinapayuhan ang mga biyahero na pansamantalang dumaan muna sa Suyoc-Baayan-Posos Road o sa Ambongdolan-Tuel-Alno-Alapang Provincial Road, habang ongoing ang clearing operation sa apektadong kalsada.

11/08/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Nanlumo si Public Works Secretary Vince Dizon sa tumambad na tone-toneladang basura sa Redemptorist Water Channel sa Brgy. Baclaran, ParaΓ±aque City, na bumara sa daluyan ng tubig at nagpalala sa problema ng pagbaha sa lugar.

Kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na nag-deploy ang DPWH ng mga heavy equipment upang makatulong mapabilis ang clearing operations sa ilog.

Nanawagan din si Secretary Dizon ng kooperasyon mula sa mga lokal na pamahalaan at taumbayan para sa tamang waste disposal para maiwasan ang matinding baha na dulot ng problema sa basura.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BOSS PITIK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share