03/04/2025
BUHAY OFW
Mahalin mo ang trabaho mo pero mang iwan ka ng pagmamahal sa sarili mo.
Reminders:
Huwag nating gawin TOURIST VISA ang pagpunta mo dyan ibang bansa.
Hindi ka po ang mag-observe sa EMPLOYER mo, kundi sila po yun nag-Oobserba sayo.
Kung walang WIFI, wag mag-reklamo hintayin mo ang EMPLOYER mo na ipa CONNECT ka sa WIFI nila.
Sa PAG-KAIN mo kung anong meron kainin mo. (Karapatan ng EMPLOYER muna pakainin ka) - WAG KANG MATAKOT!
Baka yan lang dahilan uuwi kana agad, may paraan naman para dyan.
Huwag mahiyang mag-tanong sa EMPLOYER!
Pero kung sinaktan ka ng EMPLOYER mo. ANAK NG EMPLOYER mo, RELATIVES NG EMPLOYER mo ibang usapan na po yan. Pwedi na tayo mag-reklamo at action kami agad!
DELAY ANG SAHOD MO?
tanungin mo EMPLOYER mo kung na saan na ang sahod, iremind EMPLOYER mo baka naka limutan. Pero kung palaging DELAY pwedi na agad tayo mag-reklamo sa Agency para ma TAWAGAN agad ang EMPLOYER MO!
Salamat/Sukran!