26/08/2021
ANO BA TALAGA ANG GINAGAWA NG ISANG FACEBOOK ADS SPECIALIST?
What if pwede ka makapag attract ng mga leads at makapag close ng benta sa business mo o sa negosyo ng iyong online client na hindi ka naghahabol ng mga prospect, hindi ka rin nare-reject ng harapan o hindi mo na kailangan mangumbinsi?
Kung sa tingin mo malaking tulong na iyon, dapat mong i-consider ang FB Ads. Dito malalaman mo kung paano maging successful ang isang online business na hindi ginagawa ang mga tradisyonal na sales strategies tulad ng prospecting, flyring, pag book sa mga appointment o mano manong follow up gamit ang pagiging isang Facebook Ads Specialist.
Ang Facebook Advertising ay isa sa pinaka epektibong paraan sa pag promote ng negosyo o produkto sa panahon ngayon. Ang Facebook ay mayroong bilyon bilyong gumagamit , para ang kahit anong uri ng negosyo o industriya ay mahikayat ang mga target audiences.
Maraming nagsasabi na ang Facebook Ads ay hindi madali. In more ways than one, tama nga sila. Kung ang isang negosyo ay nakasalalay sa pag-asenso o pagbagsak sa isang bagay, kailangan talagang itiwala mo ito sa talagang may kakayahan at malalim ang kaalaman sa FB Ads at hindi lang doon sa mga nag aral lang sa panonood ng YouTube videos.
Ano ba ang Skills na dapat alam o matutunan sa pagiging Facebook Ads Specialist? Kung ikaw ay bago lang sa online freelancing at manonood lang sa Youtube kung paano ginagawa ng isang Facebook Ad, masasabi mong madali lang ang maging isang Facebook Ads Specialist. Iyon ay dahil ang nakikita mo lang ay ang proseso o ang paggamit ng software and tools. But much more than that, contexts dapat ang malaman mo ng malaliman.
Unang-una, dapat na malalim ang pagkakilala mo sa produkto na iyong ibinebenta at kung sino ang bebentahan mo nito. Remember, ang FB Ads ay dadaan lang sa FB accounts ng target audiences mo. Hindi mo sila makakausap para piliting bumili. Kaya ang dapat, magaling kang dumiskarte kung sino-sinong tao ang taong padadalhan mo ng Ads base sa kanilang demographics: age bracket, gender,profession, hobbies, interests, and other preferences.
Pangalawa, dapat din na magaling kang dumiskarte sa pagsusulat ng mga texts sa Ads. Iyon bang kapag nabasa ng padadalhan ay makukumibinse agad sila na bumili. Kung nag-iisip ka na ang Ads na nababasa mo ng kalahating minuto ay kalahating minuto rin lang ginawa, you are so wrong. Malamang ay days or weeks iyon ginawa. May mga porma, principles, at standards ito na dapat mong makuha ng malaliman para makumbinse ang mamimili. Dapat ay marunong kang magsulat para makuha ang interes, atensyon, kiliti at emosyon ng magbabasa. Kung wala ka nyan, olat ka sa FB Ads. Persuasive sales copywriting ang lumalaro dito.
Thirdly, and just as important, ay ang PAG-ALAM AT PAGSUNOD sa napakahigpit na Facebook Advertising Policies. Dapat mong isa-ulo kung ano ang mga allowed at prohibited sa mga ads na gagawin. Kung may napakaliit na violation ka, todas ka! Malamang, maka away mo pa ang kliyente mo dahil kapabayaan mo kung ma-block ang kanyang business account dahil hindi mo alam na bawal na pala ang mga pinag-gagagawa mo.
Pang-apat, kung may bagong algorithms ang Facebook, dapat na alamin mo. Kapag tumunganga ka at hindi sumabay sa bilis ng mga pangyayari, todas ka.
Maliban pa diyan ay dapat na magaling o may alam ka din sa graphic design, email marketing, messenger marketing (chatbot creation), data entry, at principles ng lead generation para maging isang magaling na FB Ads Specialist.
AT ANG LAHAT NA IYAN, AND MORE, AY ITINUTURO SA EVERGREEN INTERNSHIP PROGRAM NG PHDADS!
Now, kung sa tingin mo ay makukuha mo ang lahat ng iyan sa panonood sa YouTube videos, goodluck sa iyo. Pero dito sa PHDads, hindi ganyan ang paniniwala namin. Dapat ay malalimang pag-aaral para kumita at umasenso sa trabahong ito.
Now, kung nakarating sa puntong ito ang pagbabasa mo, dugtungan mo nga Mars at Paps, ang statement na ito: โ Dito sa PHDads ako gustong matuto ng FB Ads dahil ___________________โ. Pakilagay na lang din sa comment field ang sagot.