12/06/2025
Sa araw na ito, ating alalahanin ang dugo, pawis, paghihirap, katapangan, mabibigat na desisyon at sakripisyo ng mga taong naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa mula sa mga manlulupig.
Pagnilayan natin ang kahalagahan ng ating kalayaan ngunit huwag nating isantabi ang bigat ng responsibilidad ng kalayaang ito. Kalayaang gumawa ng mabuti, kalayaang gumawa ng nararapat, kalayaang mamili sa pagitan ng tama o mali, at kalayaan mula sa mga bagay na nagpipigil sa atin upang makamit ang mas makakabuti hindi lamang para sa ating pansariling pagnanais kundi pati na rin sa ating bansang minamahal.
Nawa'y pakaingatan at patuloy nating ipaglaban ang kalayaan ng ating bansang Pilipinas.
Nakikiisa ang JLP Packaging Enterprise sa ika-127th na anibersaryo ng ating Kasarinlan.
Mabuhay ang PIlipinas!