05/05/2026
Alam mo ba na may subconscious yet powerful technique na ginagamit sa pag-build ng personal brand at pag-create ng content?
Most people kasi ang focus ay kung ano yung SASABIHIN.
However, better din if alamin mo kung ano yung MAKIKITA.
Ang tawag dito ay Semiotic Branding.
Eto yung paggamit ng simbolo para maging identity ng isang brand, negosyo, product, o kahit ng tao.
Example:
Yellow Arc → McDonald's
Red Bottle → Coca-Cola
Green Logo → Starbucks
yung mga simbolo yung nagbibigay ng identity sa brand nila.
Sa personal branding, pwede din:
Red Theme → Taylor Swift
Pink → Miss Glenda (Brilliant Skin)
Green Hair → Billie Eilish
Yung kulay, simbolo, o consistent visual elements nila, nagiging identity na.
May mga content creators din gumagamit neto:
Real Talk Darbs: Red-themed content, tattoo, may salamin. gwapings.
Reymond delos Reyes: Blue-themed, naka-suit, malinis.
Fibo Lim: Yellow, nakaputi, pogi
Makikita mo na lahat sila may consistent symbol or style na nakakabit sa brand nila.
Bukod sa topic at mensahe, eto yung pwede mong gawin kapag gusto mong mag-build ng personal brand:
1. Maghanap ka ng simbolo na magsi-signify ng personality mo.
> Pwedeng kulay, accessory, o visual element na unique sayo.
> Example: Ako, si Eb Fajardo, hindi ako nakikilala ng tao kapag wala akong sombrero. Pero kapag nakasombrero ako, biglang alam nila kung sino ako. Kaya yung sombrero ko naging simbolo ko.
2. Gamitin mo siya consistently.
> Hindi pwedeng isang beses mo lang gagawin.
> Kailangan paulit-ulit, hanggang ma-associate ng audience yung simbolo sayo.
“Ah, siya yung laging nakapula.” o “Siya yung naka-sombrero.”
Repetition = Recognition.
---
If you’re a business owner or someone building your brand online, hanap ka ng simbolo na magsisignify ng identity mo.
Pwede mong isuot, i-incorporate sa visuals, o gawing consistent element sa content mo.
Kapag nakita nila yun, alam nilang ikaw yun.
This is the hidden, subconscious, but powerful technique na pwede mong gawin para ma-dominate mo yung social media through your personal brand.