06/06/2024
MAGULANG KO'Y KAHINAAN KO 🇮🇹ðŸ˜
Ni: Ka Joed Berganio
Siyam na buwan iningatan mula sa sinapupunan,
Unang pag iyak ko ay musika naman para sa inyoy kagalakan,
Akay akay sa bawat hakbang ng mga paa,
Upang akoy wag masaktan at madarapa,
Unang hakbang sa aking pag aaral kayo ang gumabay,
Nag hatid sundo at magtiyang mag antay,
Unang sulat unang pagbasa,
Upang matuto at nagkaroon ng mataas na marka,
Ngunit sa aking paglaki di nagmaliw pag ibig niyo at pagkandili,
Mga matatamis na ngiti namin pagod sa inyo namay napapawi,
Sa aking pagtatapos nais kong magantihan,
Mga paghihirap niyo ay mapapalitan,
Ngunit sa paglipas ng maraming taon,
Ay paglipas rin ng inyong lakas at buhay na kayoy meroon,
Sa tuwing kayo ay nagkakasakit akong iyong anak ay di mapakali,
Sapagkat akoy di sanay na kayoy mahina at nahihirapan,
Sa bawat inyong dalangin sa Ama walang ibang laman kundi kami,
Sa bawat pagluha nais niyo kami ihabilin upang mapabuti,
Na kami ay wag magmaliw sa kasiglahan sa aming tungkulin,
At kami pa ay magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan,
Kayo rin ang siyang pangunahing laman ng aming panata,
Na kayo pa ay magtagal at makasama sa paglilingkod sa Ama,
Na huwag nawa bawiin inyong buhay at lakas,
Nang masalubong Nating sabay sabay ang araw ng pagliligtas.
- Aklat Ng Makata Family 🇮🇹🩷