13/09/2024
Gusto mo bang maging baker???
Halos lahat gustong pasukin ang pagiging baker, hindi nila alam yung pagod, time pressure pag nasiraaan ka ng cake along the way. Masarap ang achievement after, alam nyo bakit? kasi pinag puyatan po namin yan. pinag laanan mo namin ng ilang oras, sa kada pag gawa po ng cake o ng request ni client. tatakbo pa kami nyan kung saan saan maachieve lang namin gusto ni client. mahirap maging baker lalo na pag wala kang sariling sasakyan. padiskartihan at lakas nalang talaga ng pananalig makarating lang sa client ng maayos. alam nyo ba gano kaginhawa sa part namin pag naka rating sa event ng walang sira? para lang naman kaming nabunutan ng tinik kasi wala kaming reremedyohan, pag iisipan pano aayusin ano itatakip para hindi halata. Madalas nga sa bahay palang patapos na kami mag icing masasagi pa namin, isip nanaman pano ayusin o kung mag papakinis ka ulit. Mahirap na masarap. Pag wala kang tyaga at pag d ka sanay sa Puyat.
Akala nyo ba madali at mura lang? maliban sa oras na iniinvest namin, sa skills na nakukuha lang pag nasasanay na kami sa ginagawa namin, sa mga pagkakamali namin na kung saan kami na tututo.. Napaka mahal maging isang baker alam nyo ba ilang pipping tip ang meron para sa pag iicing? napaka raming style o design ng tip. swertihan kung yung request nyo na cake eh may tip kami. padiskartihan nanaman pano iachieved. Oven palang, mga container namin. yun palang iiyak kana. hindi naman pwede isang 6x3 lang o kaya 5x4 pano pag 6x5 ang order? napaka palad mo pag may ref kana na intended sa cake mo pano pag wala at may nga ulam o etc. hindi mo alam kung mangangamoy ba o hindi sa cake mo. mayat maya ang order ko sa shopee mabuo lang ang mga pangangaylangan ko sa baking and until now hindi pa kumpleto. ni hindi ko nga ma organize.
Napahaba haba na tong sinasabi ko, pasensya na kasi madaling araw na d pako tapos hahahhaha
ang ma papayo ko lang, bago nyo pasukin ang ganitong mundo.. pag isipan nyo munang mabuti kasi hindi biro ang magiging puhunan π
sa lahat ng kita mo paiikutin mo para mabili mo ng gamit. Kelangan mo din panindigan at sipag π₯° Mabuhay ang mga bakers π₯° More customer! CTTO.