24/05/2026
π’ IMPORTANT REMINDER PARA SA MGA NAG-AAPPLY NG PLDT WIFI
Ang proseso ng pagbabayad at pag-install ay nakadepende mismo sa status ng inyong aplikasyon at sa opisyal na patakaran ng PLDT. May dalawang paraan lamang ito na sinusunod:
β
Option 1: Payment first bago ma-install
β
Option 2: Installed first bago magbayad (kaliwaan)
Hindi po ito desisyon namin o ng mga ahente β sumusunod lang po kami sa sistema, patakaran, at approval ng PLDT. Wala po kaming kapangyarihan na baguhin ito dahil ito mismo ang utos ng kumpanya.
β οΈ MAHALAGANG PAALALA:
May mga nag-aalok daw ng "walang bayad muna" o "install muna kahit hindi pa pasok sa sistema" pero hindi po ito sumusunod sa tamang proseso. Kadalasan po, kapag ganyan, wala na silang asikaso sa inyo kapag nagkaroon na ng problema sa koneksyon, pagbagal ng internet, o kapag may kailangang ayusin. Marami na po ang naging biktima nito kaya mag-ingat po tayo.
Sa aming serbisyo, sumusunod lang kami sa tama at opisyal na paraan para sigurado kayong lehitimo ang transaksyon, ligtas ang inyong bayad, at may sasagot at aasikaso sa inyo hanggang matapos at maging maayos ang serbisyo.
Pagkatapos po ma-approve ang inyong aplikasyon, magte-text mismo ang PLDT sa inyo. Doon niyo po malinaw na makikita kung kayo ay "FOR PAYMENT" ba o "WAITING FOR INSTALLATION". Kung nakalagay ay "FOR PAYMENT", ibig sabihin po ay pasok kayo sa area na itinuturing na blacklisted o may mga hindi magandang kasaysayan ng pagbabayad noon, kaya kailangan munang magbayad bago ikabit. Kung naman ay "WAITING FOR INSTALLATION", ibig sabihin ay okay ang inyong lugar at ikakabit muna bago magbayad.
Ang mga ahente po ay taga-asikaso lamang at hindi empleyado mismo ng PLDT, kaya wala po kaming kontrol o kapangyarihang baguhin ang status na ibinigay ng kumpanya. Ang trabaho lang namin ay siguraduhing maayos ang pag-aasikaso ninyo mula simula hanggang matapos, at siguraduhing lehitimo at walang lokohan ang proseso.
Kaya po hinihikayat ko kayong magtiwala lamang sa sumusunod sa tamang patakaran, dahil dito niyo masisiguro na kapag may naging problema sa hinaharap, may sasagot at aayos agad ang PLDT. Marami pong matitinong ahente na matagal na sa serbisyo at iniingatan ang pangalan at trabaho nila, kaya tayo lang din po ang makikinabang kung susunod tayo sa tamang proseso.
Salamat po sa inyong pag-unawa at pagtitiwala! β
π
Credit: christian daniel garcia