25/05/2026
SORSOGON CITY POLICE CHIEF, SINIBAK DAHIL SA ILLEGAL NA TUPADA; MGA PULIS NA SANGKOT, SASAMPAHAN NG KA*O
Ulat ni Maestro On Target
Sinibak sa puwesto si PLTCOL Christopher Firaza Aduviso, hepe ng pulisya ng Sorsogon City, matapos mapatunayang nagkaroon ng ilegal na tupada sa ilalim ng kanyang hurisdiksyon, partikular sa Barangay San Juan-Roro. Ang aksyon ay kaugnay ng umano’y paglabag sa mahigpit na direktiba ni Edwin Hamor laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa lalawigan.
Ayon sa ulat, personal na inikot ni Gov. Hamor ang 14 na bayan at Sorsogon City upang paalalahanan ang mga pulis hinggil sa kampanya kontra ilegal na sabong at iba pang ilegal na gawain. Gayunman, lumabas sa imbestigasyon na hindi lamang umano nabigong pigilan ni Aduviso ang operasyon ng tupada, kundi may mga pulis ding nadiskubreng sangkot at kalahok sa naturang ilegal na aktibidad.
Dahil dito, agad na ipinatupad ang relief order laban kay Aduviso bilang bahagi ng pananagutan sa insidente. Samantala, ang mga pulis na natukoy na may partisipasyon sa ilegal na tupada ay haharap sa ka*ong administratibo at kriminal.
As of press time, wala pang opisyal na pahayag si Aduviso hinggil sa napaulat na pagkakasibak sa kanya bilang hepe ng Sorsogon City Police Station. I via Botox News Online
📷 PLTCOL Christopher Firaza Aduviso FB