1 sim load all networks ideal

1 sim load all networks ideal use 1 simcard in all network

20/07/2018

May isang barbero at negosyante.

💈BARBERO: Sir, alam mo hindi na ako
naniniwalang may kumikita talaga ng ganyan kalaki sa business n'yo...

😎 NEGOSYANTE: Bakit naman po?

💈BARBERO: Tingin ka sa labas, ang
daming taong may problema. Kung may ganyan nga talaga kalaki na kumikita, eh di sana lahat ng sumali mayaman na at wala ng taong mahirap?

😎 NEGOSYANTE: Ganoon po ba? Ako din po, hindi ako naniniwalang may barbero.

💈BARBERO: Ha! Bakit naman? Barbero kaya ako.

😎 NEGOSYANTE: Tingin po kayo sa labas. Kasi kung may barbero, bakit ang daming mahahaba ang buhok?

💈BARBERO: Eh, kasi hindi ko naman sila
pwedeng gupitan kung ayaw nila...

😎 NEGOSYANTE: Ganoon din po sa negosyo namin, hindi ko naman po sila pwedeng tulungan at mabigyan ng magandang opportunity sa buhay kung sila mismo ayaw nila patulong at ayaw tulungan ang kanilang sarili...

*silence*

LESSON: Halos lahat ng tao gusto nila makuha mga pangarap nila. Pero hindi lahat willing gumawa ng paraan o sumubok ng opportunity na makakatulong sa kanila para makuha nila ang gusto nila sa buhay. 👍👍👍

EVERYONE WANTS TO EAT,
BUT FEW ARE WILLING TO HUNT🔥🔥🔥
🎯

17/07/2018

#😊 MOTIVATION OF THE DAY:

"Nakakita ka na ba ng magsasaka na pagkatapos magtanim ay nai-stress dahil ang tagal tumubo ng tinanim n'ya?"
Alam ng magsasaka kung kelan tutubo ang mga pananim n'ya at ang tamang panahon para anihin n'ya ang mga tinanim n'ya.
Hindi s'ya nai-stress sa paghihintay dahil ang ginagawa n'ya ay alagaan ang mga pananim n'ya, alisin ang mga peste na pwedeng sumira dito, diligan araw-araw, tanggalan ng mga masasamang damo at lagyan ng mga pataba.
Ginagawa iyon ng magasasaka dahil alam n'ya kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag dumating na ang panahon
ng pag-ani.
Noong nagsimula ka sa business mo, nagtanim ka na ng pangarap. Sigurado ako na hindi basta-bastang pangarap lang ang tinanim mo.
Malamang ay sobrang laki para sa'yo at sa pamilya mo.
Gaya ng magsasaka, kailangan mong alagaan ang pangarap mo.
• Kailangan mong iwasan ang mga taong pepeste sa mga pangarap mo at magsasabi sa'yo na di mo kaya.
• Kailangan mong diligan ang pangarap mo araw-araw sa pamamagitan ng mga motivation at pag-aaral ng mga necessary skills and strategies na kakailanganin mo para sa business mo.
• Kailangan mo rin tanggalan ng masasamang damo ang isipan mo na pumipigil sa'yo na lumago at lagyan ito ng pataba na makakatulong sa'yo to become a better person.
Gagawin mo ang lahat ng mga 'yan dahil alam mo kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag dumating na ang panahon ng pag-ani.

🤗

Address

Nasugbu
4231

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1 sim load all networks ideal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1 sim load all networks ideal:

Share