08/03/2026
Bakit po kailangan ng 50% deposit sa crafting or printing business? Actually, halos sa lahat naman siguro need na.
Ganito po kasi ‘yan.
Karamihan sa orders ay customized — meaning, kami po ay bumibili muna ng materials, nagpi-prepare ng design, at ina-allot na ang oras para gawin ang order ninyo.
Ang 50% deposit ay:
• pambili ng materials
• reservation ng slot sa production
• assurance na tuloy ang order
Dahil personalized ang mga gawa, mahirap na po itong ibenta sa iba kung sakaling makansela.
Ang remaining 50% balance naman ay babayaran na lang po kapag tapos na ang order o before release.
Maraming salamat po sa pag-intindi at sa pag-support sa small businesses tulad namin.
Get Mugged
🤍