Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo City

Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo City Ang Pinaka Respetado sa News and Current Affairs
(2)

๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ! ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽค๐Ÿ† 1st Prize โ€“ REYZYLYN REYES๐Ÿฅˆ 2nd Prize โ€“ ACE ESPINOSA๐Ÿฅ‰ 3rd Priz...
24/05/2026

๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ! ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽค

๐Ÿ† 1st Prize โ€“ REYZYLYN REYES
๐Ÿฅˆ 2nd Prize โ€“ ACE ESPINOSA
๐Ÿฅ‰ 3rd Prize โ€“ PRECIOUS DELA CRUZ

Maraming salamat sa lahat ng contestants, sponsors, Radyo Bandera staff, at sa lahat ng sumuporta sa matagumpay na Birit Bandera 2026!

Patunay na sa talento, tapang, at tiwala sa sarili โ€” tunay na umaangat ang boses ng kabataan!

Mula sa Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo, congratulations sa lahat ng winners!

See you sa next Birit Bandera! ๐ŸŽถ๐Ÿ”ฅ



๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ! ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽคMaraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa matagumpay na Birit Bandera n...
24/05/2026

๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ! ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽค

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa matagumpay na Birit Bandera ng Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo!

Saludo kami sa lahat ng contestants na nagpakita ng husay, tapang, at talento sa entablado. Maraming salamat sa ating mga sponsors, sa buong Radyo Bandera staff, at sa lahat ng dumalo at nagbigay-suporta.

Kasama rin sa ating pasasalamat ang matagumpay na notebook giving para sa mga kabataan ng Subic Bay Colleges โ€” isang munting handog na may malaking halaga para sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.

Dahil sa inyo, mas naging makulay, mas masaya, at mas makabuluhan ang gabing ito.

Hanggang sa susunod na Birit Bandera!
๐ŸŽถ๐Ÿ”ฅ Abangan ang mas malakas, mas masaya, at mas matinding biritan!

๐Ÿ“ป ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—•๐—”๐—–๐—ž ๐—œ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—”๐—Ÿ! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ”ฅBalitang mapagkakatiwalaan, musikang nakakaaliw, at good vibes tuwing Linggoโ€”babalik na ang P...
23/05/2026

๐Ÿ“ป ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—•๐—”๐—–๐—ž ๐—œ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—”๐—Ÿ! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ”ฅ

Balitang mapagkakatiwalaan, musikang nakakaaliw, at good vibes tuwing Linggoโ€”babalik na ang Pinoy Ako sa Radyo Bandera!

Kasama sina DJ Jono at DJ Sam, handang maghatid ng saya, kwento, musika, at balitang para sa bawat Kabandera!

๐Ÿ—“๏ธ Starting May 24, 2026
โฐ Every Sunday | 9:00 AM โ€“ 11:00 AM
๐Ÿ“ Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo City

Kasama mo, Kabandera mo! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

23/05/2026

BANDERA BALITA | Kasama si Jepro Julian, ihahatid sa inyo ang pinak**ainit at pinakaimportanteng balitaโ€”mula lokal hanggang nasyonalโ€”diretso, malinaw, at walang kinikilingan.
๐Ÿ•• Araw-araw, 6:00โ€“7:00 AM
๐Ÿ“ป 107.1 FM Radyo Bandera Olongapo โ€“ Ang Pinakarespetado sa News and Current Affairs

23/05/2026

Birit Bandera

23/05/2026

BIRIT BANDERA 23 MAY 2026

23/05/2026

๐Ÿ”ฅ๐ŸŽค ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ

Halinaโ€™t makiisa sa isang gabing puno ng talento, musika, saya, at pananampalataya!

๐Ÿ“… May 23, 2026
โฐ 6:00 PM
๐Ÿ“ Holy Spirit Basketball Court

In celebration of the Pentecost โ€” sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya, apoy, at inspirasyon ng Espiritu Santo!

Kitakits mga Ka-Bandera! โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

23/05/2026

๐Ÿ“ฃ AKSYON BANDERA! ๐Ÿšจ
Ang tunay na Sumbungan ng Bayan! ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

May reklamo? May hinaing? Idulog mo na kay Kagawad Mibert Adlawan ๐Ÿ™‹โ€โ™‚๏ธโš–๏ธ at siguradong mapapakinggan! ๐Ÿ’ฏ

๐Ÿ•’ Tuwing Sabado | 3:00 PM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“ป Dito lang sa 107.1 FM Radyo Bandera Olongapo
๐Ÿ”ฅ Ang pinakarespetado sa News and Current Affairs!

๐Ÿ“ข Sama-sama nating ipaglaban ang boses ng mamamayan! ๐Ÿ’ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

23/05/2026

DEAR KUYA NIร‘O โœจ๐Ÿ’Œ
Haplos ng musika, payo, at mga kwento ng pag-ibig at buhay mula mismo kay Kuya Niรฑo!
๐Ÿ“ป Tutok na tuwing Lunes hanggang Sabado | 1:00 PM โ€“ 2:00 PM sa Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo.
๐Ÿ“ฌ Ipadala na ang inyong mga liham at baka kwento mo na ang ating mabasa on-air!

EDITORYAL NI KA BANDERA JOJO PEREZNO MORE PAIN, JANELLAH.Hindi kayang tumbasan ng kahit anong paliwanag dahil sa kapabay...
23/05/2026

EDITORYAL NI KA BANDERA JOJO PEREZ

NO MORE PAIN, JANELLAH.

Hindi kayang tumbasan ng kahit anong paliwanag dahil sa kapabayaan ang luha ng isang pamilyang namatayan ng apo.

Sa inilabas na paliwanag ng pamunuan ng James L. Gordon Memorial Hospital, walang sinuman ang dapat managot sa nangyari.

Maging ang sumbong kung sino ang humingi ng deposito sa pasyente ay hindi sinagot.

Nakakalungkot isipin na sa mga oras na naghihingalo ang isang tao deposito pa umano ang hinahanap.

Sa panahong bawat minuto ay mahalaga parang naging mas mabigat pa ang kakayahang magbayad kaysa sa obligasyong magligtas ng buhay.

Naiintindihan ng mga pasyente na kulang ang mga k**a, pagod ang mga doktor at nurse at dagsa ang pasyente sa mga pampublikong ospital.

Ngunit kapag ang nasa harapan mo ay isang pasyente na may matinding head trauma at nasa bingit ng k**atayan hindi ba dapat buhay muna bago deposito?

Hindi man garantisadong maisasalba ang bawat pasyente ang mahalaga ay nakita ng pamilya na sinubukan.

Na lumaban ang ospital at doktor.

Na walang inaksayang oras habang may pag asa pa mabuhay.

Ayon sa salaysay ng pamilya mistulang naging โ€œpalipat-lipatโ€ ng ospital ang pasyente habang lumalala ang kondisyon.

Para silang bola na dinribol dribol saka ipinagpasa pasa.

Isang ospital papunta sa iba saka ibabalik ulit habang ang pasyente ay nasa ambulansya na oras din ang unti unting pumapatay sa kanyang pagkakataon pa na mabuhay.

At ngayon pilit ipinapaliwanag ang โ€œGolden Hour.โ€

Kung alam palang kritikal ang unang oras sa head trauma.

Bakit umabot sa reklamo ng panghihingi ng deposito?

Masakit marinig ang hinaing ng maraming ordinaryong mamamayan na kapag may padrino at impluwensya ay mabilis ang serbisyo.

Ngunit kapag mahirap parang kailangan pang lumuhod, magmakaawa at makiusap bago mapakinggan.

Ito ang mas malalim na sugat na muling binuksan ng insidenteng ito ang mapait na katotohanan na sa kasong ito may mga buhay na tila mas mahalaga kaysa sa deposito at pag trato sa naghihingalong pasyente

Kapag may pagkukulang o kapabayaan hindi dapat magtago sa likod ng mahahabang paliwanag at teknikal na termino ang pamunuan ng JLGMH.

Dahil ang isang pamilyang namatayan dahil sa kapabayaan ay hindi naghahanap ng magagandang salita.

Ang kanilang hinahanap ay pananagutan.

At para sa 'yo Janellah.

Ang iyong alaala ay mananatili sa puso ng mga taong nagmamahal saโ€™yo.

Hindi ka man naipaglaban nang sapat dito sa lupa dalangin namin na yakapin ka ng Diyos upang mapawi ang iyong sakit at pighati.

May you rest in peace.

No more pain Janellah. (Jojo Perez )

Address

4Flr. Casa Ghilda Resort, Holy Spirit Village, Holy Spirit Drive, Tabacuhan, Brgy. Sta. Rita
Olongapo
2200

Telephone

+639620775360

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo City:

Share