12/09/2026
“’Yung mga panahon na matumal ang orders ko, doon naman napupunta ang oras ko sa mga bagay na hindi ko nagagawa kapag sobrang busy ako.
▪️ Time to sleep and rest
▪️ Time to do inventory
▪️ Time to check deadlines ng mga bayarin
▪️ Time to make hardcopy samples
▪️ Time to do layouts and designs
▪️ Time to create websites
▪️ Time to spend quality time with my children
Kung tutuusin, kapag iisipin mong “matumal,” minsan nakakaiyak din eh. Lalo na kapag nakikita mong ’yung ibang kasabayan mo, nasa trade fairs at events, tapos ikaw hindi na na-invite or wala kang event.
Pero okay lang.
Kasi kung wala akong events, wala rin akong ginagawa na urgent—at doon ko nagagawa ang mga bagay na madalas kong hindi nagagawa kapag busy ako.
So instead of looking at slow days as “walang kita” or “walang ganap,” let’s divert that time into something productive.
Hindi man busy, productive pa rin. ✨
Hindi man nasa trade fair, may ibang bagay namang binubuo.
Rest is productive. Planning is productive. Preparing is productive.
Minsan, kailangan din natin ng slow season para makahabol sa mga bagay na naiwan natin habang busy tayo.
Slow days are not wasted days. They are preparation days.